Pagkapasok sa loob ay dumeretso ako sa kusina, wala pa akong kain simula kaninang pagkagising ko kaya hindi na nakakapagtaka kung gaano kalakas magwala ang sikmura ko ngayon. Sobrang sakit na tipong namimilipit ang tiyan ko rason para mapahawak ako roon. Bahagya ko iyong minasahe at haloa mapangiwi pa nang malakas ulit iyong kumalam. Hindi pa man ako nakakalapit sa kusina nang halos mabingi ako sa tawanan at halakhakan na nagmumula roon. Pagpasok ko ay siya namang namayani ang katahimikan sa paligid. Sabay-sabay pa nilang nilingon ang gawi ko upang bigyan ako ng mapang-uyam na tingin. Bulgar na pinasadahan nila ng atensyon ang kabuuan ko pamula ulo hanggang paa. "Uy, si birthday girl," anang isa sa pinsan ko na si Marites. Napaismid ako sa katotohanang isa siya sa madalas na nangungut

