Nananatiling nanlalaki ang mga mata ni Dennise na nakatingin na ulit kay Angelo. Naaalala na niyang sinabi niya nga ‘yon nu’ng nakaraan. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ikaw na rin ang nagsabi na ginagalang mo ang kasagraduhan ng kasal.” Ngumiti nang maliit si Angelo. “Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung dapat ko nga bang gawin ‘yon,” huminga siya ng malalim. “Pero kasi, ‘yon na lang ang naiisip kong paraan sa ngayon para maisagawa ko pa ang ibang mga plano. Kailangan kong mapalapit sa kanya para magawa kong maging miserable ang buhay niya,” dugtong pa niya. Tumango-tango si Dennise. May bahagi sa kanya na gusto niya ang ideya na pakakasalan siya ni Angelo. May nararamdaman na kasi siya para rito. Magiging masaya siya kung sakaling matutuloy ang balak na pagpapakasal nilang dalawa n

