“Pasensya ka na kung mga lumang damit lang itong mapapahiram ko sa’yo. Hindi pa kasi ako nakakabili ng mga bagong damit ko,” paghingi ng pasensya ni Angelo kay Rex saka niya inabot ang mga damit niya ritong kinuha niya mula sa cabinet. Tinanggap naman ito ni Rex. Halos magkasingkatawan sila ni Rex kaya naman naisip ni Angelo na pahiramin ito ng damit kaysa naman na suotin pa nito ang mga damit na suot-suot nito kanina pa hanggang sa pagtulog. Nasusuot pa naman niya ang mga damit na ibinibigay niya pero halatang naluluma na ang mga ito na kaya kahit papaano’y nakakaramdam siya ng hiya kay Rex lalo na’t pang-mayaman at branded ang mga sinusuot nitong damit. Ningitian ni Rex si Angelo. “Ayos na ‘yan. Sigurado naman na hindi ako mangangati dito. Hindi naman maselan ang balat ko,” pabirong sa

