Gabi na at abala si Angelo sa pagluluto ng magiging hapunan niya. Pangiti-ngiti pa siya habang dahan-dahan na hinahalo ang calderetang malapit ng maluto. Isa ito sa hilig niya, ang magluto. Hindi man siya kagalingan pero hilig niya pa rin ang pagluluto. Namamawis ang noo at katawan ni Angelo dahil sa init na rin ng panahon dagdagan pa na nasa harapan siya ng kalan kaya naman wala itong suot na damit pang-itaas at tanging apron lamang ang tumatakip sa hubad nitong katawan at boxer short lamang ang suot sa pang-ibaba. Kapansin-pansin ang nangingintab niyang mga balikat at braso na nagfe-flex ang muscles sa tuwing maghahalo siya. Lumipas ang mga minuto ay napatigil sa paghahalo ng kanyang niluluto si Angelo nang makarinig siya ng magkakasunod na katok mula sa pintuan ng bahay. Kumunot ang

