Nakaupo si Dennise sa sofa habang nakasunod ang tingin sa naglalakad naman na si Danica. Naka-smirk ang labi niya at nakataas ang kanang kilay. Tiningnan ni Danica si Dennise saka niya ito ningitian. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang dalaga. “Good Morning, Sister-in-law,” pa-sweet na wika ni Danica saka niya tinamisan ang pagngiti. ‘Napaka-plastic talaga ng babaeng ‘to.’ Gustong irapan ni Dennise si Danica dahil sa pagbati nito sa kanya ngunit may usapan sila kagabi ng kuya niya na ayusin raw niya ang pakikitungo dito. ‘Nagsumbong kasi ang bruhilda at kung ano-anong pinagsasabing kasinungalingan sa kuya ko.’ Sinabi naman niya sa kanyang kuya Rex na hindi naman totoo ang mga sinabi ni Danica ngunit hindi siya pinaniwalaan kaya hindi na lamang siya nakipagtalo pa at sumunod na la

