“Here’s your order, Ma’am, Sir,” magalang na wika ni Angelo sa mga customers na nasa isang table. Isa-isa niyang inilalapag sa ibabaw ng pabilog na lamesa ang mga plato at mangkok na naglalaman ng mga inorder nilang pagkain. Nilapag rin niya sa lamesa ang isang bucket ng beer at isang bote ng wine na order rin ng mga ito. Abala si Angelo sa bago niyang trabaho. Pagkatapos ng ilang araw niyang paghahanap ng trabaho ay sa wakas ay nakahanap rin siya pero hindi lamang niya ganoon kagusto ang napasukan niyang trabaho. Okay lang naman sa kanya ang trabahong ito dahil kayang-kaya naman niya kaya lang, ang hindi niya kasi gusto ay ang ambiance ng lugar. May karamihan ang tao ngayon sa loob. Patay-sindi ang mga ilaw na iba’t-iba ang kulay. Kung sa bago niyang bahay at monasteryo ay tahimik na ki

