“Saan ka nanggaling?” salubong na tanong ni Dennise kay Angelo nang makapasok ito sa loob ng mansyon. Tiningnan saka ningitian ni Angelo si Dennise. Nilapitan niya ito saka hinalikan ito sa kanang pisngi. Tumayo din siya sa harapan nito. “Sa music bar. Dinalaw ko si Boss.” Tumaas ang kanang kilay ni Dennise. “At bakit ka naman dumalaw sa kanya?” nagtatakang tanong niya kay Angelo. “At bakit naman hindi? Hindi ko lang siya boss kundi kaibigan rin,” sagot ni Angelo. “Saka isa pa ay babalik ako sa music bar para magtrabaho,” aniya pa. “Pero napag-usapan na natin ito, ‘di ba? Hindi mo naman na kailangang magtrabaho pa,” wika ni Dennise habang tinitingnan ng diretso si Angelo. “Dennise, hindi naman pwedeng aasa ako sa pera ng pamilya mo,” ani Angelo. “Gusto ko rin naman na kumita kahit p

