Halos madurog ang mga buto sa kamao ni Rex dahil sa labis na pagkuyom ng mga ito at nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata na ngayon ay titig na titig sa screen ng laptop na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napapanood niya ang kanyang sarili habang pinapaligaya si Angelo na hindi naman nakikita sa video. “Akala mo siguro ganun-ganun na lang kadali na itigil na ang lahat ng ito at hindi gustuhin na sundin ako sa mga gusto ko,” nakakalokong sambit ni Angelo kay Rex. Kaagad na tiningnan ni Rex ng matalim si Angelo. Nasa loob pa rin sila ng hotel room. Nakabihis na at nakahandang umalis nang ipakita ni Angelo kay Rex ang kinunan na video. Nakiusap si Rex na itigil na nila ni Angelo ang ginagawa nila ngunit hindi niya inaasahan ang ipinakita nito sa kanya. “Paano kaya kung lumabas ‘yan s

