Dahan-dahan na idinilat ni Angelo ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang kisame. Kumurba ng ngiti ang labi niya. Mababanaag sa kanyang mukha na masarap ang kanyang tulog. Nararamdaman ng malapad na likod ni Angelo ang lambot ng malaking kama na dahilan kaya masarap ang tulog niya sa nagdaang gabi. Ilang sandali pa ay inalis niya ang kanyang tingin sa kisame at nilipat ito sa katabi niya sa ibabaw ng kama. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Angelo nang makita ng kanyang mga mata si Dennise na mahimbing na natutulog. Mas lalong gumanda ang gising niya dahil una niyang nasilayan ang napakagandang mukha nito. Ilang minuto na nakatitig lang si Angelo kay Dennise. Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanilang dalawa nitong mga nakaraang buwan na para sa kanya

