Madilim ang langit at tila ay malapit nang bumagsak ang ulan. Nakikidalamhati ang napakalungkot na panahon sa pagdadalamhati ng mga tao. Nakatingin ang lahat sa magkasabay na ibinababang mga kabaong sa hukay. Nasa harapan sila Rex, Danica at Angelo na walang ekspresyong makikita sa mukha kung ‘di ang kalungkutan. Wala na si Dennise. Kinuha na siya ng nasa Itaas. Hindi kasi niya nakayanan ang panganganak dagdagan pa na mas lalong lumala ang kondisyon ng sakit nito. Nang-iwan na rin si Rosie. Inatake ito sa puso dahil sa hindi nakayanan ang bigat at sakit na dulot ng pagkawala ni Dennise. Ilang oras pa lamang ang nakakalipas ng mawala ang kanyang unica ija ay sumunod na kaagad ito. Doble-doble ang dagok na ito kay Rex na dalawa sa pamilya niya ang iniwan na naman siya. Ngayon, mag-isa na

