“Ikaw ba talaga ang mastermind sa pagnanakaw ng pera sa kumpanya?” madiing pagtatanong ni Angelo kay Mr. Evangelista. Saydang dinalaw niya ito sa kulungan para makausap ng personal. Sa parehong kulungan din nakakulong si Mr. Advincula. Tumango-tango naman ang kaawa-awang si Mr. Evangelista saka nagbaba nang tingin. “Sigurado ka ba diyan? Wala bang tao na nag-utos sayo na akuin ang kasalanan?” pagtatanong muli ni Angelo habang titig na titig sa kausap. Bumalik na itong muli sa kumpanya at ilang araw na ding pumapasok kaya nagpatuloy na rin ang naunsyaming imbestigasyon tungkol sa pagnanakaw ng pera. Muling tumingin kay Angelo si Mr. Evangelista. “Wala,” sagot niya. “Halos ako lang mag-isa ang gumawa,” aniya. Mabagal na umiling-iling si Angelo. Sa tingin niya ay wala itong kasalanan at k

