Marahas na inihagis ni Angelo sa mismong mukha ni Danica ang hawak niya na napapikit naman ng mga mata at ikinagulat naman ng huli. Nasa loob sila ng bagong bahay nila Danica at Rex na wala naman ngayon sa bahay dahil nasa opisina ito. Matalim na tiningnan ni Danica si Angelo. “What the hell!” asik niya. “Talagang nagpunta ka pa rito para lang hagisan ako ng kung ano-” “Sabihin mo nga sa akin ang totoo!” nanggigigil na litanya ni Angelo. Nanlilisik ang mga mata niya na nakatitig kay Danica habang nanginginig siya sa sobrang galit. “At anong totoo ang pinagsasasabi mo?” maang-maangan na tanong ni Danica. “Pulutin mo ang hinagis ko sayo at tingnan mo!” mariing utos ni Angelo. Bumaba naman ang tingin ni Danica. Tiningnan niya ang bagay na inihagis ni Angelo sa kanya. Nakatalikod ito na n

