“Bakit parang balisa ka diyan?” nagtatakang tanong ni Dennise kay Angelo. Nakatayo ang huli sa harapan ng bintana ng kwarto at nakadungaw sa labas habang nakaupo naman sa gilid ng kama ang una. Naalis ang tingin ni Angelo sa labas saka niya nilingon at tiningnan si Dennise na mataman siyang tinitingnan kanina pa. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. Hindi niya itatanggi na nakakaramdam siya ng kaba lalo na para kay Dennise dahil ngayong alam na ni Rex ang lahat, siguradong magagalit ito sa kapatid. Hindi naman niya intensyon na masira ang relasyon ng dalawa ngunit nangyari na ang lahat. “Angelo,” pagtawag ni Dennise sa pangalan nito saka tumayo mula sa kama at nilapitan si Angelo na sinundan naman siya ng tingin. Tumayo siya sa harapan nito. “May hindi ka ba sinasasabi sa akin?” tan

