“Huwag ka munang magkikikilos masyado at baka makasama sa’yo,” mababakas ang concern sa bilin ni Angelo sa kanyang misis na si Dennise habang inaayos ito sa pagkakahiga sa kama. Nasa loob na sila ng kwarto dito sa mansyon at kakauwi lamang nila galing sa ospital. Ngumiti naman ng maliit si Dennise habang tinitingnan si Angelo. Nakatayo naman malapit sa kanila si Rex at nakatingin sa mag-asawa. Ilang sandali pa ay lihim itong huminga ng malalim. Tiningnan ni Angelo sa mukha si Dennise. “Kukunin ko muna iyong pagkain mo sa kusina at ng makakain ka na,” pagpapaalam niya. “Okay,” mahinang sagot ni Dennise sa sinabi ng mister. Ningitian ni Angelo si Dennise. Pamaya-maya ay umayos siya sa pagtayo saka sandaling tiningnan si Rex na saktong tumingin din sa kanya. Bahagya niya itong tinanguan.

