“Kumusta na ang misis at baby ko, Doc? Okay lang ba sila?” nag-aalalang tanong ni Angelo sa doktor na kakalabas lang ng emergency room. Labis-labis ang pag-aalala niya dahil kanina ay sobra ang pamimilipit at daing ni Dennise sa sakit ng tiyan kaya kaagad niya itong isinugod sa pagamutan. “Oo nga, Doc, kumusta sila? Okay lang ba sila?” nag-aalalang tanong din ni Rosie na nasa tabi naman ni Angelo. Si Rex naman ay nasa likod ng ina at pinapakalma ito sa pamamagitan nang paghagod ng marahan sa likod nito. Malungkot ang mukha ng doktor. Salitan sila nitong tiningnan. “Doc,” pagtawag ni Angelo sa doktor. Mas lalo siyang nag-aalala sa ipinapakitang mukha ng doktor. “Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?” tanong pa niya. Lalo tuloy siyang kinakabahan at nag-aalala. Huminga nang malalim

