“Mukhang malungkot ka, Dennise. May problema ba?” pagtatanong ni Angelo kay Dennise na kaharap niyang nakaupo sa coffee table na nakapwesto malapit sa bintana sa loob ng kanilang kwarto. Ningitian ni Dennise si Angelo. Mababanaag sa kanyang mukha ang panghihina. “Wala,” sagot niya. “May mga naiisip lang ako,” pagdadahilan niya na ikinakunot ng noo at ikinasalubong ng pares ng kilay ni Angelo. “May mga naiisip ka? Ano naman ang mga ‘yan? Pwede mo bang sabihin sa akin?” nagtatakang tanong ni Angelo. Nagbaba nang tingin si Dennise. Bumuntong-hininga siya ng malalim. Ilang sandali lang ay muli niyang tiningnan nang mataman si Angelo. “Uhm…” hindi maituloy ni Dennise ang sasabihin niya dahil may pag-aalinlangan siyang nararamdaman. Ningitian ni Angelo si Dennise. “Ayos lang kung hindi mo s

