Pagkahatid sa amin ni Steven sa bahay, agad akong inakbayan ni Naya na may kasabay pang pagtalon. "Ano na naman?" walang gana kong tanong sa kan'ya. "I'm going to tell you something," aniya. "What is it?" "Sit down," utos nito sa akin. Agad naman akong naupo sa sofa dito sa sala namin at tumabi rin siya sa akin. Nagtataka ko itong tiningnan. "May sasabihin ako sa'yo pero huwag mong isipin na hindi ito totoo, okay? Kasi kitang-kita ng dalawang mata ko lahat ng iyon." "Okay." Tumango-tango ako. "No'ng nasa restaurant tayo kanina, kitang-kita ko ang tingin ni Braeden sa inyo ni Steven parang may halong selos e." "Selos? Bakit naman siya makakaramdam ng selos?" natatawa kong tanong. "Alam mo ikaw kahit alam mo naman na ang sagot, ayaw mo pang aminin sa sarili mo. Malamang may gusto s

