"Punta muna ako ng restroom," sabi ko kila Naya. Sabay naman silang tumango ni Steven. Agad akong tumayo at napansin ko na naman ang sarili kong napatingin sa direksyon nila Braeden. Nakatingin din siya sa akin kaya ngumiti ako ng kaonti at gano'n din ang ginawa niya. Ako na ang umiwas ng tingin at dumiretso na sa restroom. Walang tao sa loob. Humarap ako sa mahabang salamin ng restroom ng restaurant at ilang segundo ko rin tinitigan ang sarili ko. To be honest, gusto ko nang alisin ang selos na nararamdaman ko ngayon lalo na kapag nakikita ko si Braeden kasama si Nicole. Ang akala ko no'ng una ay kaya kong iwasan ang pagseselos ko pero mukhang mahihirapan akong alisin iyon. I gave myself to him, hindi ako nagsisisi doon pero I'll promise myself na hindi mauulit 'yon. Kailangan ko na ta

