Hindi ko ine-expect na isasama niya ako sa tagpuan nila ni Luis. Pagdating namin sa bahay nila, nakaabang na kaagad si Luis sa labas ng kanilang gate habang may hawak na box katulad na katulad sa binigay din na box sa akin ni Braeden no'ng mga nakaraan na araw. Walang pasabi siyang bumaba ng kotse niya at agad na pinuntahan si Luis. Kitang-kita ko na inabot sa kan'ya ni Luis ang isang box at inabutan naman niya ito ng pera. Nag-usap pa sila sandali pero hindi ko na iyon narinig pa. "Here, Actually, this is my present to you. Just keep the first one I gave you," sambit niya pagkasakay niya muli sa kotse niya. Nahihiya pa itong ngumiti. Ngumiti ako ng matamis. "Thank you so much. I don't really think that I deserve this gift from you." Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan. "

