Napatulala agad ako pagkagising ko. Hindi na ako contracted girlfriend ni Braeden, tapos na ang palabas, pero kahit naman gano'n ay nananatili pa rin niya akong fan. Back to normal na naman. At least naranasan ko maging girlfriend niya kahit saglit lang. Ilang beses ko 'yon iniisip at sinasabi sa sarili para lang hindi ako gano'n malungkot. Bumalik ang diwa ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "How are you? Okay ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong. Dahan-dahan akong napatingin sa kan'ya at bumugad sa akin ang maamong mukha ni Steven na nasa may pinto habang hawak pa rin niya ang doorknob. "Of course I am." Ngumiti ako ng matamis sabay bangon ko. Lumipat ito sa akin. "Nakatanggap ako ng balita na malungkot ka raw." Alam ko na kung sino ang nagsabi sa kan'ya, sino pa nga ba 'di ba?

