HSV1: Roman
Lumalakas na ang ulan. Gayundin ang butil ng bawat patak ay bumibigat na. Ang kalangitan ay madilim na nagbabadya ng mas malakas pang buhos ng ulan. Lahat ng iyon ay di alintana ni Roman. Siya ay nagdadalamhati sa pagkawala ng natatanging babaeng pinag alayan niya ng kanyang pangalan. Nandoon siya ngayon sa mauseleo ng mga Perez na pagmamay ari ng pamilya ni Aurora para sa kanyang ika cuarenta dias simula nang siya ay pumanaw.
Ang kanyang pinakamamahal na si Aurora ay lumisan na sa mundong ibabaw kasama ang batang nasa kanyang sinapupunan. Ang kanilang limang buwang gulang na anak, na dapat sana ay magdadala ng kanyang apelyido ay di na nabigyan ng pagkakataon na masilayan pa ang mundong ibabaw. Hindi ipinaalam ng kanyang esposa na maselan pala ang puso nito. Nakasama pa nang ilihim nito sa kanya na delikado kung ito ay magdalangtao. Magsisi man si Roman ay hindi na n'ya maibabalik ang buhay ng kanyang mga pinakamamahal. Kung naging mas mapagmatyag lang sana siya, siguro ay nakita niya ang sintomas ng karamdaman ng esposa. Ang kanilang tatlong taon na matamis na pagsasama ay mauuwi na lamang sa isang magandang alaala na babaunin niya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Kaya isinusumpa niya sa libingan ng kanyang mag-ina na hindi siya kailanman mag-aasawa. Walang papalit sa kanilang lugar sa kanyang puso.
Bumuhos na ang malakas na ulan. May nagngangalit na rin na kidlat na sinundan ng napakalakas na dagundong ng kulog. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang nakaparadang pick up nang may masagi ang kanyang paa.
Isang umiiyak na nakaupong dalagita na sa kanyang tantya ay nasa sampung taong gulang lamang. Nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang tenga na para bang sa ganoong paraan ay di nito marinig ang dumadagundong na kulog. At sinong pabayang magulang ang hahayaang nasa ulan ang kanyang anak?
Hindi yata nito napansin si Roman dahil nakapikit ang mga mata nito. Walang tigil ang luha nitong pumapatak na tila nakikipag paligsahan sa lakas ng buhos ng ulan. Bigla itong nagmulat ng mga mata pero nanatiling nakaupo at nakatakip ang mga kamay sa kanyang tenga. Nabistahan niya ang itsura nito.
Tinitigan niya ito ng maigi. Napakagandang bata kung tutuusin. Mestisahin ang kanyang hitsura. Maputi at mamula-mula ang kanyang balat. Ang mga mata nito ay tila nangungusap. Ang makipot ngunit matangos na ilong ay bumagay sa may kakapalan ngunit mapupulang labi nito. Light brown ang buhok nito na animo buhok ng mais ang kulay na bumagay sa light brown na kulay ng mata. Matangkad ito para sa kanyang edad. Bata pa ay man ay nakikita ko na maging kaakit-akit ito na dalaga paglaki niya.
Nilibot ng kanyang paningin ang paligid na hinahanap ang kung sinumang possible na kasama ng dalagita ngunit tila nag-iisa ito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang payat nitong braso. Inakay at pinatayo niya at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Nawawala ka yata, Nene. May kasama ka ba?"
Ibinuka nito ang kanyang bibig pero tanging paghikbi lang ang namumutawi rito. Sandaling tumigil ito sa pag-iyak, tumayo at singguban siya ng yakap. Nabigla man ay niyakap niya rin ito. Damang-dama niya ang malamig nitong katawan na nababad yata sa ulan.
"Naiwan po ako ng aming sasakyan. Huhuhu. Paano na ako wala na nga si Nanay. Kakalibing lang niya tapos naiwan pa ako ni Tatay," umiiyak nitong sumbong sa kanya. Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya dahil nanginginig na ito sa ginaw. Kaya dinala niya ito malapit sa pick up.
Binuksan ang compartment at humagilap siya ng pwede na isuot nito ng pansamantala. May nakita siyang puting Tshirt kaya kinuha niya ito. May spare din na towel kaya kinuha din niya ito.
"Heto, magbihis ka muna at baka pulmonyahin ka."
Inabot niya ang towel at damit. Bantulot man ay kinuha nito ang damit pero di man lang ito gumalaw para magbihis.
"Talikod po muna kayo, baka makita mo po ang dibdib ko," inosente nitong sabi kay Roman. Napamulagat siya sa tinuran nito. Really? Siya na nga ang nagmagandang loob ay iisipan pa s'ya ng masama? Pero, bilib s'ya sa magulang nito dahil na turuan ito ng tama. At sino nga ba ang maglalakas loob na maghubad sa harapan ng ibang tao kahit sabihin pang bata pa ito? Kaya tumalikod na lang siya at nang matapos na.
"Pwede na po kayong humarap Uncle," untag nito sa kanya. Natawa pa siya dahil nagmistulang daster ang damit niyang sinuot nito.
Sasakay na sana sila ng pick up para ihatid ni Roman kung saan man nakatira nang may lalaking nasa kwarenta na yata ang edad ang humahangos na tumatakbo na tinumbok ang aming direksyon.
"Anak, pasensya na at nalingat ang tatay," humihikbing saad ng lalaki. Niyakap nito ang anak at hinalikan ang basang ulo nito. "Maraming salamat po sa pagpalit ng basang damit ng anak ko. Hindi ko namalayan na naiwan na pala siya namin," nagpapasalamat na lingon nito kay Roman.
Tumango lang siya at sumakay na ng pick up. Tumabi ang mag-ama para bigyan daan ang kanyang pag-alis. Matapos magpalit ng damit sa loob ng sasakyan ay diretso na niyang binaybay ang daan patungong mansion.
Habang nasa daan ay natatanaw niya ang mga tauhan sa rancho na abalang nagtatanggal ng dumi sa drainage ng isang kanal. Kitang-kita ang mga napier na damo na sadyang napakalago. Naging masigasig na kasi magtanim ang mga tauhan sa rancho matapos lumahok sa seminar ng pagbabaka noong nakaraan buwan. Mainam itong ihalo sa silage na siyang pinapakain sa mga baka upang mas lalong magana kumain ang mga ito.
Pagkarating ng mansion ay umakyat na si Roman sa kwarto nilang mag-asawa. Ang kwarto kung saan naging saksi ng kanilang matamis na pagsasama. Di mapantayan na kahungkagan ang kanyang nadama ng nahagip ng mata ang kuna na ipinasadya pa ni Aurora sa kabilang Bayan. Excited ito sa kanilang anak kaya apat na buwan pa lang ay namili na ito ng mga kagamitan ng sanggol. Humakbang siya at lumapit sa kuna. Hinawakan ang barandilya nito na adjustable. May nakaukit pang letra "Roman Aurelio" ang nakatakda sanang pangalan ng kanilang supling. Napa buntong hininga na lang siya upang pigilan ang namumuong paninikip sa kanyang dibdib. Ayoko na munang umiyak sa ngayon, hamig ni Roman sa sarili. Kailangan niyang magpakatatag para makabawi sa mga pagkukulang sa Rancho Vergara. Maraming tauhan ang magugutom kapag nagpabaya siya sa pamamahala. Hindi na kakayanin ng kanyang Papa na pansamantalang pamahalaan dahil katatapos lamang nitong operahan sa tuhod dahil sa gout.
13 years later
"You can't do this to me Roman! Ano pagkatapos mong magpakasasa sa aking katawan ay parang basahan mo na lang akong itatapon? You will see, I will tell Tita Olivia about it!" nangagalaiting saad ni Sabrina, ang favorite fling ni Roman. Nagmukha itong racoon at dahil sa pag-iyak ay nalusaw ang makapal nitong mascara.
Padabog itong umalis sa sala ng mansion at diretso ang labas sa front door. Laking gulat niya nang pabagsak nitong sinara ang pintuan. Huh! Women, nagdadabog pag hindi makuha ang mga gusto at kapritso nila. Nakakatawa ang ganoong ugali. Nakakasakal. Ibang-iba sa kanyang namayapang esposa.
Aurora is the definition of the word lady. Mahinhin, maganda at may urbanidad. Ni minsan ay di niya ito nakitaan ng pagkawala ng poise.
Maganda naman kung tutuusin si Sabrina kaya lang nitong huli ay naging clingy na. Alam naman nito ang estado n'ya sa buhay ni Roman. Wala siyang planong mag-asawa. Kung ilang beses na din nag-set up si Mama Olivia niya ng mga babaeng galing pa sa buena familia ngunit palagi itong bigo. Wala pa ring makakapantay at papalit sa kanyang puso si Aurora. Kasalanan man kung naging mapaglaro siya sa mga babae nitong nakalipas na sampung taon pero palay na ang lumalapit sa manok Kaya bakit pa siya tatanggi? May mga pangangailangan din naman siya bilang lalaki kaya imbes na magmukmok ay hinahayaan niya na sila mismo ang lumapit sa kanya. Wala nga lang silang maasahan na assurance na mauuwi sa kasalan. Never. Sumumpa siya sa puntod ni Aurora kaya yon ay kanyang tutuparin.
Nagmamadali lumabas ng mansion si Roman. Sumakay siya sa kanyang hummer at diretso siya sa bahay ng katiwala nila sa Rancho. Kailangan niya magpunta sa toril ng mga baka. Ayon sa kanilang katiwala na si Mang Ernesto, may ilang baka na nanamlay. Nasuri naman ito ng mga Resident Veterinarian nila pero 'di pa rin nila matukoy ang pinakadahilan ng sakit. Nakakaalarma dahil noong nakaraang linggo, sampung baka lang ang apektado ngunit ngayon ay lumobo na sa tatlumpu ang may sakit.
Pagkarating niya sa kural ng mga baka ay kasalukuyang andun si Eduardo, ang resident Veterinarian. May kung anong pinag-uusapan sila ni Ernesto. Lumingon ang mga ito ng tumikhim siya bago nagsalita.
"Magandang tanghali sa inyong dalawa," ang bungad niya. Pumasok na siya sa opisina at dumiretso na ng upo sa sala. Sumunod ang mga ito at naupo na rin.
"Mabuti at andito kayong dalawa. Gusto kong mag-ulat kayo sa akin sa kung ano na ang kalagayan ng rancho," mukhang kinakabahan ang ang mga ito. Bantulot ang tingin ni Eduardo pati na rin si Ernesto.
"Eh, Sir Roman mukhang mahaba-habang gamutan ang kailangan may sintomas po ng bluetongue disease ang mga baka. Medyo matrabaho kung ako lang mag-isa ang beterinaryo. Ang dalawa pang kasamahan kong Beterinaryo ay may nakatoka na rin na gagawin. Maari po bang mag-request na kumuha ng karagdagang beterinaryo kahit hanggang maagapan lang ang sakit ng mga baka. Isa pa po kailangan kong matutukan ang panganganak ni Snow. Medyo maselan kasi dahil sa kanyang kalagayan dahil sa latest sonogram report ay suhi ang foal na nasa sinapupunan nito," mahabang paliwanag ni Eduardo na pinagpapawisan habang nagsasalita. Bakas sa mukha nito ang pagod sa nagdaang linggo dahil sa kabi-bilang problema sa Rancho.
May punto nga naman ito. Kailangan nila ng isa pang Beterinaryo lalo't involved si Snow, ang kanilang prized broodmare. Nakailang ulit na itong nanganak ng malusog na kabayo na siyang ikinatutuwa ng mga bigating kliyente namin na ang iba ay galing pa sa Gitnang Silangan.
"May mairerekomenda ka bang nais mong ipasok bilang kasama mo dito sa Rancho? Mas mabuti na ang ikaw ang pumili ng sa gayon ay siguradong magkakasundo kayo sa schedule."
"Ang inaanak ko po sana Sir Roman kaya lang okay lang po ba sa inyo ang fresh graduate at kakapasa sa board exam? At babae po siya." Nakamata ito sa amo at hinihintay ang sagot nito.
Bumuntong-hininga si Roman. Kakayanin kaya ng baguhan at isa pang babae ang sumabak sa nakakapagod na trabaho dito sa Rancho?
"Kung nag-alaala po kayo at baka hindi n'ya kayanin ako na po ang nagsasabing sanay s'ya sa mga hayop dahil goat breeder ang kanyang ama at lumaking nasanay mag alaga ng hayop, " pagbibigay ng assurance ni Eduardo sa amo.
Binilinan ni Roman ang tauhan pa puntahan kaagad kinabukasan sa Rancho ang nasabing Beterinaryo. Umuwi na siya sa mansion dahil marami pa siyang asikasuhing papeles para naisipan niyang pag-convert na gawing feedlot ang isang parte ng rancho kung saan ilalagay ang mga baka for fattening bago ito timbangin at katayin. Total naman ay malawak ang Rancho Vergara at nabili na nila ang katabing limang ektaryang farmlot para sa expansion at upgrade na plano niya.