HSV2: Eliza Ruiz

1735 Words
Sinusuklay ni Eliza ang kanyang mahabang buhok nang tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Ibinaba niya ang hairbrush at kinuha ang cellphone. Mula pala kay Ninong Eduardo niya ang text message na may urgent hiring ng Beterinaryo sa Rancho Vergara. Pagkakataon nga naman. Noon pa man ay pangarap na niya ang magtrabaho sa pinakamalaking rancho sa buong Bukidnon. Two birds in one stone dahil isa pa sa kanyang target ay makuha ang atensyon ng isang Roman Vergara. Tinungo niya ang kanyang closet. Mula doon ay kinuha ang pinaka-iingatan na kayamanan. Ang puting t-shirt na pagmamay-ari ng taong lihim na tinatanggi. Tinanggal niya ito mula sa hanger at sinamyo ang amoy nito. Ang alaala ng kanyang kabataan ay dagling bumalik. Ang sandali kung saan unang nagdaiti ang kanyang basang balat sa mainit nitong katawan. Kung sa mga fairytale books ay may mga knights in shining armour, aba meron din siyang tagapagligtas ano! Sabihin man nilang isa siyang hangal na maghangad ng taong labis na hinahangaan dahil magkaiba ang estado ng kanilang pamumuhay. Aba hindi na din siguro lugi kung siya ang magiging asawa nito sa hinaharap. Hindi sila mayaman pero may pinag-aralan naman siya at maganda naman, at higit sa lahat batang bata pa siya. At kung sabihin man nilang matanda na ito para sa kanya at pwede na itong maging ama, ay walang problema. She always admire mature men. They are more tolerant sa mga behavior ng mga babae. Nag-umpisa na mag-empake ng mga damit si Eliza. Ilang polo at soft jeans at t-shirt ang nilagay niya sa medyo may kalakihang travelling bag. Syempre pa ang mga long sleeve shirt, pajama, undies at ilang personal na gamit din. May bunkhouse naman sa Rancho Vergara kaya pwede siguro doon na siya maglaba tuwing day off n'ya. Ilang trainers din ang dinala at isang leather boots na hanggang tuhod. Kakailangan niya ang mga iyon para sa nature ng kanyang trabaho. Naghahapunan sila nina Tatay Antonio at ni Elizer ng ipaalam niya ang trabaho na nirekomenda sa kanya. "Tatay, magpakabait ka habang kayo lang ni Elizer ha, huwag matigas ang ulo. Palaging inumin ang maintenance na gamot at huwag palaging magpalipas ng gutom."Ang mahabang bilin sa ama habang hinihimay ang isdang sahog ng ginataang gulay na ulam nila. "Oo na Inay, kelan ka ba kasi aalis para sa trabaho at nang makapag pahinga naman itong tenga ko sa mga sermon mo,"ang natatawang ganti ng ama. Hay naku umaandar na naman po ang katigasan ng ulo ng matanda, sa isip ni Eliza. Palagi kasing nagsusumbong ang bunsong si Elizer na minsan ay alas tres na ng hapon kung mananghalian ang ama kaya madalas ay nakakalimutan din nitong inumin ang gamot nito para sa altapresyon. "Elizer, 'pag ito si Tatay nagmatigas naman isumbong mo kaagad sa akin. Atsaka alagaan niyo din mabuti si Bebeng. Lagot talaga kayo sa akin pag nagkasakit yon." Ang tinutukoy ni Eliza na Bebeng ay ang palahiang kambing nila na Anglo-nubian. Nabili niya ito noon sa isang goat trader ng mura lang dahil may pilay at pinagtyagaan niyang alagaan at ngayon nga ay nakailang panganak na ito. Ang galing din kasi nito sa pag-aalaga ng kanyang mga anak. Natapos ang masaganang hapunan nila ay pumasok ulit siya sa kanyang silid para i-check ang mga gamit na dadalhin. Dinala niya rin ang ilang mga libro na maaaring makatulong sa kanyang trabaho. Naglinis na siya ng kanyang katawan pagkatapos ay maagang natulog. Kinabukasan, maagang nagising si Eliza para maghanda ng almusal. Tapang baka, garlic fried rice at scrambled egg ang agahan nila. Nagtimpla siya ng paboritong native na kape tsaka inaya na ang ama at si Elizer. Pagkatapos mag-almusal ay nagpahatid na siya ky Elizer sa sakayan ng jeep papuntang Rancho Vergara. Swerte at iilan pa lang ang nakasakay ng jeep, nakapwesto siya ng maayos. Bente minutos ang hinintay nila bago napuno ang jeep bago ito lumarga. Tanaw mula sa bintana ng jeep ang mga nadaanan naming mga farm. May taniman ng mga sari saring prutas pero mas lamang ang mga pineapple plantation na siya ang pangalawang pinakamalawak na taniman industriya ng pagpipinya sa buong Pilipinas. Indeed, Bukidnon is one of the provinces na self-sufficient when it comes to food. May mga high value crops ding itinatanim sa probinsya. Dagdag pa nag suitable na soil type sa agrikultura. Pati livestock at poultry industry ay hindi rin pahuhuli ang probinsya. Pinara niya ang jeep ng makita na ang arko ng Hacienda Vergara. Bumaba siya at nabistahan ang napakalawak na fenced property. Sa kanyang pagkakaalam mahigit trenta ektarya ang buong Rancho. Sa lawak nito ay kinakailangan diumano sumakay ng ATV para maglibot lalo na sa area ng cattle at horse breeding center. Lumapit si Eliza sa guard house at nagtanong kung saan banda ang cattle area. Nag-radio ito sa kasamahang Ernesto yata sa kanyang dinig. "Ma'am antay lang po ng kaunti. Paparating na po ang sundo ninyo," anito sa magalang na tinig. Nginitian ito ng dalaga ng napakatamis atsaka tinanong ulit ng "malayo pa po ba ang bunkhouse kuya?" "Naku Ma'am dalawang kilometro pa po ang kailangan lakarin para makarating po kayo doon at may bitbit pa kayong gamit. Naibilin na po kayo ni Kuya Ernesto at Doc Eduardo kaya inaasahan na po nila ang iyong pagdating." Ang mahaba nitong paliwanag kay Eliza. May isinusulat ito sa kanyang logbook kaya hindi na siya nagtanong pa ulit. Kinse minutos ang lumipas ay dumating ang isang ATV lulan ang may katandaan at katabaang lalaki. Ito yata si Mang Ernesto. Nagpaalam na siya sa guard na Lando daw ang pangalan. Binitbit nito ang bag niya at kinarga sa ATV. Sumakay na din si Eliza at lumarga na sila. "Salamat at agad mong pinaunlakan ang iyong Ninong sa paanyayang magtrabaho dito iha. Unang sabak sa trabaho ay mahaharap ka kaagad sa madugo ng gamutan sa mga alagang baka," ang saad nito sa kanya. Nakatutok ang mata nito sa daan habang nagmamaneho pero daldal ito ng daldal. Mukhang may alinlangan yata si Manong sa kanya dahil babae siya! "Huwag po kayong mag-alala Manong Ernesto, sanay po ako sa mabigat na trabaho at sa mga hayop. May maliit kaming goat farm at small time goat trader ang tatay kaya lahat na possibleng sakit ng mga livestock na engkwentro ko na," pagbibigay kasiguruhan ni Eliza sa katiwala. "Naku mabuti at nabanggit mo iha. Ang sabi ni Doc Eduardo ay blue tongue disease daw ang sakit ng may sa tatlumpong baka. Inihiwalay na namin sila para malapatan ng lunas. Para hindi na istorbo sa ibang baka," ang sabi nito sa dalaga. Pinupunasan nito ang kanyang tigbi-tigbing pawis. Ilang sandali pa ay narating na nila ang opisina. Agad na bumaba si Eliza, bitbit ang kanyang mga gamit. Ang opisina nito ay simple lang naman nasa one hundred fifty square feet ang kabuuang sukat at air-conditioned. May maliit na receiving area kung saan may brown leather sofa at isang glass table sa gitna. Sa gilid ay may filing cabinet at may istante kung saan nakalagay ang mga magasin na ang pawang mga cover ay related sa cattle farming at Veterinary journals. Kasalukuyan na may sinusulat sa kanyang lamesa ang Beterinaryo nang pumasok si Eliza. Binitawan nito ang kanyang pluma at ngumiti sa inaanak. "Mabuti at nakarating ka Hija," ang bungad nito sa dalaga. Kinuha niya ang kamay nito atsaka nagmano. Bakas sa mukha ng matanda ang pagod dahil siguro sa sakit na dalawang linggo ng nagpapahirap sa kanila. "Kailangan na pong magtrabaho para makabawi man lang sa gastos sa pag-aaral," biro niya dito. Scholar naman siya kung tutuusin. Ang pinaka magastos lang naman ay ang mga miscellaneous, allowance, libro at mga kagamitan pati na ang gastos sa boarding house. Nagtawanan lang sila. At kaagad na pinag-usapan ang magiging approach sa panggagamot sa mga baka. Inilahad nito sa kanya ang mga sintomas at nakinig siya ng maigi. Kaya sinabi ng dalaga sa Ninong nito na kailangan muna niyang masuri ang mga baka para mas makasiguro at baka meron pang ibang kondisyon na hindi nakita dahil naka focus lang sa isang sintomas. Buti at pumayag ang kanyang Ninong at pasasamahan daw siya sa isang trabahante kung saan naroon ang mga may sakit na baka. May aasikasuhin diumano ito sa horse breeding center kasama ang dalawa pang Beterinaryo. Kasama si Emil, ang panganay na anak ni Mang Ernesto ay nagtungo sila sa toril ng mga baka. Ang medyo mahina ay nasa kamalig na kaya inuna ni Eliza suriin ang mga ito. Limang baka ang medyo mahina na sapagkat nakahiga na ang mga ito. Una niyang sinuri ang kanilang mga bibig at dila gamit ang malaking patpat na parang popsicle. Positibo nga na blue tongue disease. Bakas pa ang mga kagat ng biting midges na may kalahating pulgada ang sukat. Namumula pa ang mga ito. May edema na din sa mga nguso, lalamunan at tenga ng baka. Ang ibang baka na mahihina na ay stress na at tila may complications na. Ito ang mahirap kapag hindi kaagad naagapan ang sakit. Nagreresulta ito sa mataas na lagnat, pagka-depress ng baka at kalaunan ay magkakaroon ng anorexia at babagsak ang katawan dahil mawawalan ito ng ganang kumain. Tinanong niya si Emil kung saan ba pinapastol ang mga baka at para malaman kung saan nga ba ang breeding ground ng mga biting midges. Sinamahan siya ni Emil sa pastulan. At doon ay nakita niya ang isa sa mga posibleng dahilan ng sakit. Mayroong tila isang maputik na lusak sa gilid ng pastulan. Ayon kay Emil dito rin kasi pinapastol ang kalabaw na siyang gamit minsan naghahakot ng mga tinabas na damong napier. At dahil maulan nitong nakaraang dalawang linggo ay dumami ang mga langaw na siyang dahilan ng sakit ng mga baka. Nakabuo na si Eliza ng konklusyon kung paano i-manage ang sakit ng mga baka kaya bumalik na sila ni Emil sa opisina ng mga Beterinaryo. Pagkarating nila doon ay may Hummer na nakaparadang sa tapat ng opisina. Malamang ang may-ari ng Rancho para kamustahin ang kalagayan ng mga baka. Pumunta muna siya sa likod ng opisina kung saan merong gripo at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa opisina. Pagpasok ng dalaga ay nabungaran niya ang nakatalikod na pigura ng lalaking nakasuot ng blue denim jacket at Blue denim pants. Nakasuot ito ng leather boots at cowboy hat. Ito na ba si Sir Roman Vergara? Gosh bigla siyang na-conscious at baka amoy kwadra siya. Tumikhim si Eliza na siyang ikinalingon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD