"Good morning Sir," bati ni Eliza dito ng nakayukod. Hindi naman kaila sa kanya ang itsura ng may-ari dahil makailang ulit din naman itong na-feature sa mga lokal na magazines na tungkol sa cattle ranching at horse breeding. Pero iba rin pala talaga ang makita siya in person. Nais niyang pangipuspusan ng hininga pero malamang may sadya itong importante kaya kinalma ang sarili. Itago ang kilig, dapat maimpress muna siya sa trabaho ko, sa isip ni Eliza.
Siya namang pagsalubong ng kanilang mga mata. Rumours do him justice. Kahit nasa forties na ito ay di maitatago ang angking kakisigan nito. Ang unang napansin ni Eliza ay ang abuhing mata nito at ang matangos na ilong. His long wavy hair ay bumagay sa katawan nito. Broad shouldered, narrow waist and muscled thigh. Malamang may abs din ito dahil halatang alaga nito ang katawan. Matangkad ito na halos aabot ng anim na talampakan. At ang balat nitong Pilipinong pilipino ang dating: moreno. What a perfect male specimen. Pwede siyang matawag na si Malakas kung ang pagbabasehan ay mga kwentong bayan noong unang panahon. At siya ang kanyang Maganda. Ayieeee assumera ko talaga, ang pangaralni Eliza sa sarili. Hindi pa man ay nag-aambisyon siya.
"So, ikaw ang tinutukoy ni Eduardo? You seem so… young." Nahihimigan niya ang disgusto sa tinig nito ngunit binalewala niya na lang. At sino nga naman ang magtitiwala sa isang baguhan na katulad niya lalo at babae pa?
The world is indeed a patriarchal place. Kahit magaling ka ay minsan matatabunan lang iyon dahil sa katotohanan na isa kang babae. Lalo na sa medical field. Pero para sa kanya, ang lahat na kayang gawin ng mga lalaki ay kaya din naman gawin ng babae. Be it in the workplace o kahit sa buhay. Uso na ngayon ang mga empowered women 'ika nga.
"I'm young but it won't discount na may alam din naman po ako Sir, kahit papaano. According to my site visit and inspection on cattles na medyo mahina na, I think the five cattles already have complications. Two of which are female might not be able to conceive in the future. The other cattles are still manageable naman po. We just need to have them given soft feeding to avoid malnourishment. And as per inspection sa pinagpastulan ng mga baka, I would like to recommend that dapat nasa kamalig sila on rainy days. Don't let them go near mud ponds dahil doon ang breeding ground ng mga biting midges," mahaba na paliwanag ni Eliza sa kanyang amo.
Kailangan niyang patunayan na bata man ay seryoso siya sa nakaatang na responsibilidad bilang Beterinaryo.
Mukhang nagulat pa si Sir Roman sa kanyang dagliang assessment sa sitwasyon. Why? Like, does she need to waste time na kung di ito maagapan ay pihadong maraming baka ang maapektuhan? Though, hindi naman contagious ang sakit, kapag hindi matukoy ang dahilan ay magtuloy tuloy ang pamiminsala nito. Prevention is better than cure 'ika nga: mga piping salita na ayaw niyang mamutawi sa kanyang bibig.
"Okay, I'll talk to Eduardo and the two others regarding your assessment, " sabi nito bago tumayo at umalis ng opisina.
Napabuntong hininga si Eliza pagkaalis ng amo. Gusto niyang sumigaw sa sobrang kilig. Kanina niya pa pinipigilan ang kanyang sarili na huwag magpa-cute sa amo. Though type niya naman ito eversince, ayaw niya din namang magmukhang desperada.
Dapat makita niya muna na magaling siya sa kanyang propesyon nang sa gayon hindi siya maging alangan para sa amo.
Maghapon na ipinagpatuloy ni Eliza ang pagmomonitor sa mga baka. Sa kanyang pagsusuri, napag-alaman niya na bente na sa trentang baka ang nasa first stage ng blue tongue disease. Inisa-isa niya ang oral examinations ng bawat baka at iisa ang sintomas nila. Ang kalahati ng pulgadang kagat ng biting midges. Nilagyan niya na din ng tag ang bawat baka at yon ang magiging reference ko sa susunod na araw para mas mabilis ang pag monitor at 'di maghalo ang kanilang record. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang disorganized na record.
Pagod man sa agarang pagsabak sa trabaho ay na-organize niya naman ang mga record ng mga may sakit na baka. Kailangan niya itong ipakita sa kanyang Ninong ng sa gayon ay mapag-usapan nila ang tamang pamamahala ng gamutan kung meron man.
Ang ikalawang palapag ng opisina ng Beterinaryo ang nagsilbing bunkhouse niya. Kaya, kinagabihan ay bisita niya si Sir Roman at si Ninong Eduardo niya.
Inilahad niya sa kanila ang kanyang record. At dahil sa bilis niyang makakuha ng datos ay nabaghan si Ninong. Hindi yata nito inakala na nakapagbibigay siya kaagad ng report sa isang araw lamang.
"Aba, iha pinabibilib mo ako ha. Hindi ko akalain na natapos mo kaagad maghapon ang halos isang linggong trabaho ko." Napailing na lamang ito habang sinusuri ang record ng bawat baka.
Si Sir Roman ay tahimik lang habang binubuklat ng Ninong Eduardo ang bawat pahina ng kanyang report. Napamulagat pa si Ninong nang mabasa ang recommendation ni Eliza sa kung paano i-manage ang naturang sakit.
"My God, I'm beyond impressed iha. How do you come up with this?" nababaghan nitong tanong sa kanya habang mas sinusuri pa nito ang nakasulat sa recommendation.
"Would you believe this disease na-encounter na namin two years ago sa kambingan ni Tatay. Limang Anglo-nubian ang nasayang kaya, we learned our lesson. But, it's still up to you po Ninong sa final na treatment and management ng sakit ng mga baka. I merely give my recommendation base sa aking inspection kanina. Also, I thoroughly check their bodies baka may nakaligtaan pa tayong sintomas but aside from the blue tongue disease they are overall healthy. Ang limang mahihina ay I recommend they be given ferrous sulfate injection to boost their appetite. Soft feeding for the rest of the cattle at dapat panatilihing malinis, "
mahaba na explanation ni Eliza sa dalawa na nakatunganga sa kanya.
Tumikhim siya para bumalik sila sa kanilang huwisyo dahil parang wala ang mga ito sa kanilang mga sarili.
"No need to check your recommendation iha. May tiwala ako sa kakayahan mo. Any additional inputs?" nakataas kilay na tanong ni Ninong.
"Ah, regarding the grazing lands nga pala Ninong, Sir Roman I would like to say kung pwede ay the mud ponds should be abandoned. Especially those near the pastures. Pwede siguro i-relocate ang mga ito na malayo sa pastulan ng mga baka. Pwede ko din ba masuri ang mga alagang kalabaw after gumaling ng mga baka?"
Tinatanya ni Eliza ang magiging reaksyon nilang dalawa. Sir Roman remained poker face as if no words can affect him.
"Are you okay with your accommodation? May kailangan ka bang kung ano?" tanong ng amo sa dalaga habang nililibot ang kabuuan ng opisina.
"Maybe a stove will do and some kitchen utensils so that I can cook my meals here if hindi po kalabisan. Sanay po kasi ako sa lutong bahay. And can I have a garden sa likod nitong opisina? I would like to plant some veggies sa day off ko." Nilubos niya na ang demands total naman nagtanong siya 'di ba?
Nagpaalam na ang dalawa sa dalaga dahil lumalalim na ang gabi. Alas dyes na natapos ang kanilang munting meeting. Umakyat na siya sa kanyang silid sa itaas at matulog na pagkatapos magbanyo.
Dahil sa pagod, paglapat pa lang ng kanyang likod sa kutson ay agad siyang nakatulog ng mahimbing. Gusto pagsisihan ni Eliza ang ratsada ng trabaho na ginawa kanina pero hindi pwede magpa patay-patay dahil kawawa ang mga baka.
Hindi pa man tumutunog ang alarm sa kanyang cellphone na naka-set ng alas singko ng umaga ay awtomatikong magmulat ang mata ng dalaga. Umusal siya ng maikling pasasalamat sa matiwasay na tulog at biyaya ng buhay sa Itaas.
Agad niyang tinungo ang banyo para sa pang-umagang ritwal. Infairness kahit maliit lang ang kwarto ay may sariling banyo at shower area na. Naligo na rin siya pagkatapos kahit napakalamig ng tubig na animo galing sa ref. Mabisang pantanggal pa naman ng muscle pain ang paliligo ng malamig sa umaga na hindi pa sumisikat ang araw.
Nakabihis na siya ng kanyang karaniwang suot paglabas ng banyo. Isang long sleeve polo at soft denim jeans ang suot ni Eliza. Nagsuot na din siya ng medyas para di magka paltos ang aking paa sa kanyang leather boots.
Binuksan niya ang ilaw sa baba sa pamamagitan ng switch na nasa katabi ng pinto ng kwarto malapit sa bakal na hagdan. Bumaba na siya para mag-init ng tubig sa electric kettle. Kahit dito sa opisina ay may mga kagamitan din. May isang tray kung saan nakalagay ang ilang tasa, platito, pinggan at mga kutsara at tinidor. May maliit din na lababo at gripo sa likod ng isang mini ref.
Pagkakulo ng tubig ay nag timpla na ako ng kape na three-in-one na naroon. Total naman ay siya lang mag-isa ay pinakialaman na niya ang anumang pwedeng kainin sa mini ref. May nakita siyang dalawang hiwa na cassava cake kaya kinuha niya ito. Sarap na sarap ako sa kanyang kinakain ng may naulinagan akong sasakyan na paparating. Alas singko singwenta pa lang bakit ang aga naman napasugod ng amo niya?
Ilang sandali pa ay may kumatok. Binuksan niya dahil nakilala niya ang sasakyan ni Sir Roman.
"Good morning Sir." Pormal niya itong binati at yumukod. Gumilid siya sa pintuan para makapasok ito. Hinayaan niyang nakabukas ang pintuan. Pumasok na din ito at may sumunod na tauhan. May bitbit itong single burner stove na naka karton pa at sa kabilang kamay nito ay ang eleven-kilogram na cylinder ng LPG. Tumuloy ito hanggang kitchen area at inilapag ang mga dala. Kagyat na in-arrange at in-install ang LPG sa stove. Muli itong lumabas at pagbalik ay may dala uli na isang malaking shopping bag at 10kg na vacuum-sealed jasmine rice. Aba sosyal may pa rasyon si Amo!
Nakamata lang si Eliza sa tauhan habang naghahakot. Si Sir Roman naman ay nasa swivel chair sa pinaka opisina at may binubuklat.
"May kasali ng groceries 'yan pati na ang request mo kagabi. At tungkol sa mga seeds para sa garden mo ay idadaan na lang dito ng aking tauhan anong araw nitong linggo, " pormal nitong sabi kay Eliza, ni hindi man lang mapuknat ang tingin nito sa binabasang report na ginawa ng dalaga kahapon.
Naku naman wala man lang talagang pakonswelo itong si Sir sa kanya? Pangit ba siya at ayaw man lang siyang tingnan? Ang ganda niya kaya! Sabi nga ng mga kaklase niya ay kahawig niya raw ang artistang si Kim Domingo.