HSV4: Sapa

1608 Words
Bukang liwayway pa lang ay gising na si Eliza. Nabawi na niya ang ilang araw na pagod at puyat sa ratsada ng trabaho sa rancho. Kahit Sabado ngayon at wala gaanong gagawin ay bumangon na siya. Nag-inat siya at humikab pang muli. Napatingin siya sa kanyang cellphone. Alas kwatro cuarenta y cinco pa lang. Saktong walong oras pala ang tulog niya. Diretso na siya sa banyo para sa kanyang pang-umagang ritwal. Nagsipilyo siya at naghilamos na rin. Mamaya na siya maliligo. Inipon ang kanyang maruruming damit at nagpasyang maglaba sa kalapit na sapa sa 'di kalayuan sa bunkhouse. Nabanggit ni Emil sa kanya na masarap maglaba doon. Tuwing Sabado ay maraming naglalaba doon na madalas ay ang mga kadalagahan sa Rancho pati na mga asawa ng mga trabahador. Pagkababa sa unang palapag ay agad siyang nagpakulo ng tubig sa electric kettle. Habang naghihintay na kumulo ang tubig ay winalisan na muna ang sahig at inayos ang mga magasin na nakasabit sa istante. Saktong matapos ang pagliligpit ay kumulo na ang tubig. Sinalin sa thermos ang pinakuluang tubig dahil alas syete pa siya magkakape. Naglagay siya sa mug at hinaluan ito ng tubig na mula sa jug na pawang galing sa kalapit na bukal. Uminom muna ng maligamgam na tubig para guminhawa ang kanyang sikmura sa lamig ng umaga. Nagmumuni-muni siya sa mga gagawin niya ngayong araw. Pero, wala siyang maisip kaya tinungo n'ya na lang ang ref. Nakakatuwa dahil dalawang araw matapos niyang mag-report sa Rancho ay may hinatid na bagong ten cubic na refrigerator. Nagulat pa si Eliza dahil hindi naman umorder. Sabi nga ng nag-deliver bayad na daw ni Sir Roman. Kahit naman pala isnabero si Sir ay may malasakit din sa tauhan at galante pa kamo. Nabanggit nito ang kanyang sahod na umabot sa treinta mil plus benepisyo pa. Sagot na din nila ang grocery pati ang LPG. May ibibigay pa silang bagong leather boots na gagamitin sa trabaho. Nagluto na siya ng kanyang almusal. Adobo fried rice, sunny eggs at isang tasang kape ang inihanda n'ya. Kumain na s'ya at naghugas ng pinagkainan pagkatapos ay nagpasya na pumunta na ng sapa. Bitbit ang isang timba, batya, sabong panligo at sabong panlaba ay binaybay ng dalaga ang daan patungong sapa. Limang minuto ay tanaw na niya ang napakadalisay na tubig ng sapa. Hindi ito gaanong malalim o mababaw lang itong tingnan dahil napakalinaw ng tubig. Nagkalat sa sapa ang palo-palo na yari sa tangkay ng niyog. Hindi pa man ay nasasabik na siyang umpisahan ang paglalaba. Weirdo mang pakinggan ang paglalaba ay gustong gusto niyang gawin pati ang pagsasampay pero ang pinaka ayaw n'ya naman ay ang pagtutupi ng damit. Inumpisahan na niyang banlawan ang mga maruming damit atsaka pinigaan. Inilagay sa batya at inumpisahan ng sabunin. Kinusot ng bahagya,atsaka hinataw ng palo-palo. Dalang- dala siya sa pagpalo ng mga maong na pantalon sa may sapa. Nakalublub ang kalahati ng kanyang katawan magmula baywang pababa habang ang braso ay hataw sa pagpalo ng mga damit. Pagkatapos banlawan ang lahat ng nilabhan at inilagay sa bata na nakaantabay ay hinubad niya ang kanyang long sleeve shirt at maong na short. Kamison na itim na lang ang natira at itim na panloob. Di na siya nag-abalang magsuot ng bra total naman ay nag-iisa lamang siya sa sapa dahil mamayang alas dyes pa darating ang mga maglalaba. Tamang tama pwede pa magtampisaw ng walang istorbo! Para batang matagal di nakaligo sa sapa si Eliza. Sumisid at naglalangoy palaka pa. Pag-ahon ay hinawi ang kanyang buhok atsaka tumihaya para mag palutang-lutang. Nawala sa isip niya ang paligid at hinayaan tangayin ng mabining agos ng sapa. Tila mainit ang kanyang pakiramdam kahit nakababad sa tubig kaya inabot ang paa ang buhangin at itinukod ang mga daliri sa paa. Siyang nakasalubong ang nakatiim-bagang niyang amo na si Sir Roman. Bakit tila galit ito? Nagtataka si Eliza sa inasal nito. Tumayo siya at umahon sa tubig atsaka naglakad palapit sa amo. Mas dumilim ang mukha ni Roman nang abot-kamay na ang kanyang tauhan. "Atleast make yourself decent when you talk to your boss," ang seryoso nitong palatak sa dalaga. Blanko ang ekspresyon at lumingon sa sapang pinanggalingan ni Eliza. Napaawang ang bibig ng dalaga at namilog ang kanyang mga mata dahil nakalimutan niya na manipis na kamison na itim at panty lang pala ang suot. Bigla niyang tinakpan ang nagmamayabang niyang hinaharap dahil mahihiya ang santol na Bangkok kung ikukumpara ang sukat ng mga ito. Pakiramdam niya ay namula ang kanyang bumbunan hanggang talampakan sa pagiging burara. OMG! Anong katangahan nanaman ang nagawa mo Eliza,? pangaral niya sa sarili. Nagmamadali niyang kinuha ang batya kung saan ipinatong ang hinubad na damit at isinuot ang mga ito. Pagkatapos ay isinuklay ng kanyang kamay sa buhok para umayos kahit papaano. Paglingon niya ay 'di na n'ya matanaw si Sir Roman. Nilagay niya sa ulo ang batya at pasan ito habang bitbit naman ang timba. Ilang minutong lakad ay narating kaagad niya ang bunkhouse. Inilapag ang kanyang dala at nagsampay kaagad siya ng nilabhan na mga damit. Pagkatapos ay umakyat na para magbihis. T-shirt na itim at pantalon lang ang suot ni Eliza. Hindi na muna niya itinali ang basang buhok. Nagulat pa siya nang pagbaba ng hagdan ay nakita na nasa opisina na si Sir Roman at nagbabasa ng magasin. "Pasensya na po kanina sa nadatnan ninyong eksena Sir. Nawili lang ako sa paliligo dahil akala ko ay wala pang taong darating para maglaba." Ang nahihiya niyang sabi dito na nakayuko. Hindi niya magawa na titigan ang amo dala ng hiya. Isang linggo pa lang siya at nagkalat na kaagad siya sa Rancho! "Be careful next time, marami din ang mga kalalakihang napagawi sa sapa tuwing Sabado. Kailangan mong mag-ingat dahil iba na ang panahon ngayon. Maraming manyak ang nagkalat. At ang ginawa mo kanina ay parang isang paanyaya sa kanilang bastusin ka," mahabang sermon nito sa dalaga at isang biglang tingin sabay bawi nito. Kinilig si Eliza pero pinigil ang kanyang sarili. Nakapirmi ang kanyang mukha na parang estatwa pero ang totoo nais na niyang humiyaw. Nahihimigan niya ito ng protectiveness o sadyang assuming lang siya? Either way, wala siyang pakialam. Ipinagpapasalamat niya na nahuli siya nito sa ganoong tagpo sa sapa. Tipikal sa mga lalaki ang naaakit sa alindog ng mga babae. Sa kanya pa kaya? Sexy siya yan ang sabi nila kaya naniniwala siya roon. Atleast alam niyang apektado ang amo sa nakita nito kanina. Naka-step one na siya sa kanyang dakilang plano. Ang masilo ang napakailap na si Roman Vergara! "Sabi mo last week you want to check the carabaos, pwede mo nang gawin today kung hindi ka abala. Kailangan humakot ng napier bukas kaya hindi pwedeng bukas. May limang kalabaw na susuriin. I'm sure you'll be able to check them. Sasamahan ka ni Emil." He then proceeded to the door to leave without even glancing and saying his goodbye. Hmmp! If I know, type mo din ako Sir Roman,ang pakonswelo ni Eliza sa sarili. In denial stage pa kasi eh. Makikita mo mapapasakin ka rin kalaunan, sumpa ng dalaga sa sarili. Gumayak si Eliza at sinuot ang bagong leather boots na bigay ng amo. Sinamahan siya ni Emil patungo sa mga kalabaw. Habang nasa daan ay nagkwentuhan sila. Natanong niya sa binata kung ilang taon na itong naninilbihan sa Rancho. "Dito na po ako ipinanganak at nagkaisip Dok. Si Tatay Nesto ay binata pa lang ay dito na rin nagtatrabaho. Dito sila nagkita ni Nanay Alicia. Siya po ay isang kusinera sa mansion ng mga Vergara. Apat kaming magkakapatid at pawang mga paaral ng mga Vergara," salaysay nito habang naglalakad sila. "May asawa ka na ba o nobya? Huwag mong masamain ang tanong ko ha, " urirat ng dalaga sa katiwala at pailalaim niya itong tiningnan. Sumilay ang matamis nitong ngiti at napalingon pa na tila nahihiyang magsabi sa akin. "Nag-aaral pa po siya Dok. Tinutulungan ko siyang makatapos para sa kinabukasan namin. Ulila na din kasi siya. Nasa Valencia siya ngayon at graduating na sa kursong BS Nursing." Salaysay ni Emil na di mapuknat ang ngiti sa labi nito. Mapapa sana all na lang ako nito! Buti pa si Emil may lovelife samantalang siya inii-snob ng kanyang crush. Nakarating sila sa pastulan ng mga kalabaw na kasalukuyang kumakain ng carabao grass. Malago ang mga d**o sa pastulan sa bandang iyon at malapit pa sa sapa na karugtong ng sapang malapit sa bunkhouse. Lumapit si Eliza sa isang kalabaw at ineksamin ang mga mata nito. Lumapit na rin si Emil para alalayan siya na masuri ang bibig ng kalabaw. Gumamit siya ng patpat para ibuka ang bibig ng kalabaw at sandaling tiningnan ang dila nito. Wala naman siyang nakita na sintomas na katulad ng sa mga baka kaya sinuri niya ang apat pang kalabaw. Matataba at malulusog ang mga kalabaw ng Rancho. Inilibot niya ang kanyang paningin sa dakong maputik at naghanap ng senyales o bakas ng breeding ground ng mga biting midges pero wala siyang nakita. Mabuti at naagapan pala ang paglala ng sakit. Niyaya na niya si Emil na bumalik sa bunkhouse. Tuloy ang kwentuhan nilang dalawa. At nang nasa daan sa kalagitnaan ng pabalik sa bunkhouse ay itinuro ni Emil ang direksyon kung saan inumpisahan ng i-construct ang mga feedlot para sa mga baka. Plano ng mga Vergara ang magventure sa fattening ng mga baka pati na ang pag breed ng mga Brahman at Wagyu cattles. Sa pinakadulo ay makikita ang isang building kung saan matatagpuan ang Horse Breeding Center ng mga Vergara. Nakakalula pala ang mga gustong ma-achieve ni Sir Roman! At dahil dyan plus pogi points nanaman siya sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD