HSV5: Day off

1231 Words
Linggo ng umaga at umuwi ang dalaga sa kanila dahil day off niya naman. Namimiss na nito ang ama at si Elizer pati na si Bebeng at Roger. Pagkarating ni Eliza ay sinalubong kaagad siya ng alaga niyang malambing. Sininghot nito ang kanyang pantalon at itinaas ang kanyang pangunahang paa. "Meee, Meee," ang bati ni Bebeng kay Eliza. "Ay namiss mo ako mahal kong Bebeng? Kumusta na ang iyong ipinagbubuntis? Dapat malusog ulit ha para matuwa si Tatay." Ang sabi ng dalaga sa kanyang alaga habang hinahagod ang maumbok nitong tiyan at tila nakakaintindi naman ito at muli sininghot ang dalaga. Umakyat na si Eliza sa kanilang bahay at tinawag si Tatay Antonio pero walangtao. Malamang ay nasa pastulan nanaman ito ng kambing at kinakantahan na naman ang mga alaga gamit ang lumang gitara niya, ang nangingiting usal ni Eliza sa sarili. Papunta na siya sa pastulan ng dinamba si Eliza ni Roger, ang kanyang alagang aso na shetland sheepdog. Regalo niya ito noon Tatay Antonio para may kasama ito sa pagbabantay ng mga kambing kapag wala si Elizer. Si Roger ay ibinigay ng isang kliyente na nag-migrate sa Australia noong OJT ng dalaga sa isang Veterinary Clinic. Magaling ang mga naturang dog breed bilang mga taga-akay ng mga kambing kapag nawawala sa kawan. "Roger, awat na!" saway ni Eliza sa alaga pero imbes na tumigil ay dinamba siya nito at napaupo siya sa damuhan. Dinilaan nito ang kamay niya at humiga din ito sa damuhan. Naintindihan ng dalaga ang gusto mangyari ni Roger kaya hinimas niya ng maige ang tiyan nito para naman makinig sa kanya. "Roger, naging pasaway ba ang amo mo?" tanong ng dalaga dito at tila nakaunawa naman ito at tumahol ng malakas. Kung may makakakita siguro sa kanilang pamilya ay sasabihin nilang weirdo sila dahil ang mga hayop ay kinakausap. Natural sa kanilang pamilya iyon dahil laki sila sa farm at halos mga hayop na ang kasa-kasama nilang lumaki. Kumpleto sa alaga si Tatay Antonio: may kambing, aso, gansa, pabo, manok, at balak pa yatang mag-alaga ng tupa dahil nagpapahanap ito sa kanyang mga kaibigan. Kaya bata pa lang ay ang pagiging Beterinaryo na talaga ang pangarap ni Eliza maging trabaho paglaki. Sa sipag ng kanyang Tatay sa paghahayupan at sa awa ng Diyos ay nairaos niya ang kanyang pangarap. "Tay, good morning,” bati ni Eliza sa ama. Binaba nito ang gitara na hawak. Nagmano siya sa kanyang Tatay at tiningnan ang mga alagang kambing na nagkumpulan. "Mabuti at nakadalaw ka anak. Miss ka na ng mga alaga mo." Ibinaba ni Tatay Antonio ang kanyang antipara at tiningnan ang anak ng pailalim na parang may gustong malaman. "At bakit ganyan ka makatingin Tay?" Tumaas ang kilay ni Eliza at kumunot ang noo. "May nakita ka na bang prospect maging nobyo anak?" tanong nito sa anak. Pinanlakihan ng mata ng dalaga at butas ng ilong ang ama. "Tay, kakaumpisa ko pa nga lang magtrabaho iyang nobyo kaagad atupagin ko? Aba, hindi pa nga tayo nakakabawi sa ginastos natin sa review at board exams ko. May utang pa na nakatinga doon sa buyers ng mga kambing,” sermon ng dalaga sa ama. Tiningnan lang siya ng ama at biglang humalakhak ito. "Oo na, Inay." Ang paborito sabihin ng ama sa anak kapag nasesermunan ito ng dalaga. Minsan talaga ay parang nanay na si Eliza sa hilig niyang manermon sa kanyang Tatay at kay Elizer. Napapakamot na lang ang mga ito sa ulo dahil kapag naumpisahan na niya na manermon ay tuloy-tuloy na. Sabi pa nga nila sa kanya ay parang may nakakulong na matandang babae sa katawan niya. At sinong hindi magiging mature ng maaga sa mga ugali ng mga ito? Gawa siguro ng maaga silang naulila sa ina ay nasalo ni Eliza ang pag-aaruga at pagtutok ky Elizer. Ang kanilang Tatay Antonio ay cool ang approach sa pagpapalaki sa magkapatid. Para lang silang magbarkada kung tutuusin. Pero magka gayon pa man ay malaki ang respeto nilang magkapatid sa Tatay nila bilang solong magulang na nagpalaki sa kanila. “Kumusta ang trabaho anak? Gumaling na ba ang mga baka ng mga Vergara?” “May tatlong napuruhan Tay. Kailangan ng mahabang gamutan at nagkaroon na ng anorexia kaya ayon ay in-injection ng iron supplement. Pagod nga sina Emil dahil kakaiba ang pakain sa kanila kaysa sa ibang mga baka,” paliwanag ni Eliza. Hindi na nagpabukas si Eliza na umuwi sa Rancho Vergara na hindi naman tinutulan ng ama. Anito kailangan na galingan niya sa trabaho para hindi mapahiya ang Ninong Eduardo niya sa mga amo nila. ******* Nakalimutan ni Roman na nagpaalam pala ang kanilang Beterinaryo na mag-day off. Nasa opisina siya para sana sa ilang katanungan niya rito ukol sa feeding plan ng mga baka na naka-isolate pa. Buti na lang at may spare key siya at doon sa loob siya naghintay. Nag-usap sila kanina ng tauhan na si Emil at giliw na giliw ang binata sa mga kwento nito kung gaano kabait at kagaling makisama ang bagong empleyado niya. Naalala ni Roman ang eksena sa sapa at patawarin siya kung nang pagkakataon na iyon ay nakadama siya ng init ng katawan. He is not s s*x starved man and yet with the sight of her delectable body is enough for him to have a sleepless night. Nang nakauwi siya sa mansion ay kaagad siya naligo ng malamig na tubig para matupok ang nag-aapoy na pagnanasa. Ang pagnanasa na nahigitan pa sa mga nakaulayaw na mga babae. Hindi alam ng dalaga kung gaanong pagtitimpi ang ginawa niya at nag-walk out siya kaagad sa sapa para hindi nito mahalata ang galit na galit na niyang kargada. Nagtagal pa siya doon ay baka maangkin niya ito ng wala sa oras. Though hindi niya gusto magkaroon ng kaugnayan sa alinman sa mga empleyado ay baka baliin niya ang patakaran na iyon. Nawaglit si Roman sa pagpapantasya sa kanyang sexy na Beterinaryo ng gumalaw ang seradura tanda na may papasok. Alam ni Eliza na nasa loob ang amo dahil nakaparada ang sasakyan nito sa harap ng bunkhouse. Pagpasok niya ay sumalubong sa kanya ang pinaghalong perfume at natural na amoy na katawan ng lalaki. Hmmm, smells like s*x. Ang pilyang ideya na iyon ang kaagad pumasok sa isip niya. Bilang doktor ay karaniwan na sa kanya na nakakakita ng katawan ng lalaki. Pero mukhang magkakasala yata siya kung ang katawan ng amo ang masisilayan. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa bisig ng kanyang minamahal? Oo, mahal na yata niya ito. Mula noon ay hindi na nagawa ng puso niya na maghanap o mag-entertain ng manliligaw dahil para sa kanya si Roman lang ay sapat na. Napatikhim si Eliza at siyang pagtama ng kanilang mga mata. Damang-dama niya ang tensyon sa paligid, na parang isang maling hakbang lang ay maaring mauwi sa pagsabog. “Sir Roman, may sadya po kayo?” Hinawi ni Eliza ang kanyang buhok dahil kahit malapit na ang takip-silim ay biglang uminit ang paligid. “Gusto ko lang sana malaman ang feeding plan para sa mga baka na naka-isolate para mahanda nila Emil.” Lumunok si Roman at tiningnan ang makurbang katawan ng tauhan. Para siyang nauuhaw sa init lalo pa at tila slow motion ang paggalaw ng mapupulang labi ng dalaga. Muntik na napanganga si Roman kung hindi lang sa pagbukas ng pinto. Sabay silang napalingon sa pinto kung saan pumasok si Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD