Nang mahimasmasan silang dalawa ni Roman, kapwa sila napangiti. Yumuko ito para itapat ang noo nito sa kanyang noo. Larawan sila ng magsing-irog na kapwa masaya sa pinagsaluhan na sandali. “I love you, Eli. I will never get tired of telling that to you,” madamdaming pahayag ni Roman sa nobya. Hinaplos nito ang makinis na mukha ni Eliza at nababanaag sa mukha ang pagmamahal na tapat. “Sana nga Roman. Sana mapanindigan natin ang pagmamahalan natin. Sana ay wala ng tumutol sa relasyon nating dalawa. Mapanghusga ang lipunan sa mga taong magkaiba ang estado. Sana ay malagpasan natin iyon na hindi nayayanig ang mga damdamin natin sa isat-isa.” Muling niyakap ni Eliza ang kasintahan. Parehas silang nagbihis at muling sinuri ang farm lot. May kanya-kanya silang ideya kung saan at ano ang ilalag

