HSV9: Snow

1588 Words
Minuwestra ni Roman ang braso para doon ay kumapit si Eliza. At nang hindi man lang gumalaw ang dalaga ay si Roman na ang kumuha ng kamay nito para ilagay sa braso niya. Kitang-kita ni Eliza nang halos mangisay ulit sa kilig si Tricia. Gusto niya itong kurutin ngunit iginiya na siya papasok sa malawak na hardin ng mga Vergara. Dinig niya ang tunog ng mga instrumento na pumailanlang sa ere. Pawang mga jazz music ang tugtug. Sosyal kung sosyal nga naman kasi party iyon ng mga mayayaman. Kinakabahan siya pero dagling napawi iyon nang sumalubong sa kanya ang isang Ginang na nakapostura. “Hijo, care to introduce me to the lovely lady you are with?” usisa nito sa anak. “Mama, I would like you to meet Doctor Eliza Ruiz. Doctor Ruiz, this is my mother Olivia Vergara.” “Nice to meet you po Ma'am Olivia,” magalang na turan ni Eliza. Hinawakan niya ang kamay ng ginang a pinisil iyon ng marahan. “Ang ganda mo naman Hija! Mukha kang artista at hindi isang Beterinaryo,” puri ng Ginang. Namula si Eliza sa papuri ng Ginang. Nagpaalam kaagad ito na may aasikasuhin pa na mga bisita. Biglang nailang si Eliza sa naghuhumiyaw na karangyaan sa party na iyon. May buffet table doon kung saan nakalatag ang mga putaheng handa at may unipormadong mga servers na nakaantabay. May mga waiters na naglilibot para mag-offer ng mga inumin. Kaya nang may dumaan ay kumuha ng isang cocktails si Eliza at ininom iyon. Nais matawa ni roman sa ginawa ng dalaga. Halatang kinabahan ito sa paghaharap ng ina niya. Kaya, iginiya niya si Eliza sa isang mesa sa bandang sulok para ma-relax ito. “Relax and just enjoy. Ako ang bahala sa iyo,” kinindatan pa ni Roman ang dalaga bago iniwan. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang plato na may laman na pagkain. “Let’s eat,” anyaya ni Roman pero hindi alam ni Eliza kung kakain ba siya dahil isang plato lang naman ang dala nito. Susubo na sana si Roman pero napansin niya na hindi pa rin kumakain ang dalaga. Nag-angat siya ng paningin at napangiti. “It’s okay huwag kang mahiya.” “Pero Sir. Baka may sumabunot bigla sa akin kapag nakita na kasalo kita sa pagkain.” “Buti at alam mo!” singit ng kung sino. Si Sabrina pala na nakataas pa ang kilay at tinitingnan nito ang nakaupong si Eliza. Napatayo si Roman at nilapitan si Sabrina. “Please Sabrina, at least respect my visitors. Hindi mo ito party at huwag ka dito mag-eskandalo,” mariin na bulong ni Roman sa dalaga. Minsan na kasing inaway nito ang anak ng family friend nila na si Chrissa noong nakaraan. Muntik pa magsabunutan ang mga ito dahil na rin sa pananadya ni Sabrina. “Who is she Roman?” nakahalukipkip nitong tanong. Kaagad na naputol ang kanilang pag-uusap nang ang humahangos na si Emil ay dumating. Nagulat man ay pinaupo ni Roman ang tauhan at pinainom muna ng tubig. Nang mahimasmasan ito sa sobrang hangos ay nagsalita ito. “Sir, hindi ko po kayo ma-contact at wala akong masakyan kaya tinakbo ko na lang.” Muling huminga ito ng malalim bago nagsalita. Halatang may masamang balita na dala. “Dinudugo po si Snow,” halos pabulong na usal ni Emil. Sumiklab ang labis na pag-aalala ni Roman. Kulang pa sa buwan ang ipinagbubuntis ng kanyang paboritong broodmare pero ano at dinudugo ito. Lumapit si Eliza kay Emil at tinanong ito kung ano ang problema. At kinabahan siya sa nalaman. Kailangan na maasikaso si Snow sa lalong madaling panahon at baka madisgrasya pa ang mga kabayo kaya nagdesisyon siya. “Sir, ihatid niyo po muna ako sa bunkhouse para maihanda ko ang kakailanganin.” Hindi mawari ni Roman kung ano ang ibig sabihin ni Eliza. Nagdadalawang isip pa rin siya dahil maliit lang ang tsansa na maka-survive ang isang colt na ipinanganak na kulang sa buwan. “Sir, we have no time to waste. Hindi naman siguro pwede na sirain ko ang gown na suot para magpaanak ng kabayo,” untag ni Eliza. Natauhan si Roman at kaagad na hinanap ang ina para magpaalam. Si Eliza ay nasa sasakyan na at iniwan na si Sabrina na kanina lang ay galit sa kanya. Kaagad na pinaharurot ni Roman ang sasakyan at tatlong minuto lang ay andun na sila. Nagmamadaling nagbihis si Eliza at bitbit ang mga kagamitan ay muling sumakay sa sasakyan ng amo. Pagdating nila sa kuwadra ni Snow ay halatang nahihirapan ito. Si Mang Ernesto ay halos hindi makalapit sa maligalig na hayop. Kaagad na nilapitan ni Eliza si Snow. Suot ang gloves sa kamay ay pinasok ni Eliza ang braso at ineksamin ang bisero sa loob ni Snow. Humalinghing pa si Snow tanda na nasasaktan na ito. Ang katawan ng bisero ay gumalaw naman. Mag-aalala na nakatingin si Roman sa alagang si Snow pero wala siyang magawa. Inutusan ni Eliza si Emil at Mang Ernesto na ihanda ang mga gagamitin na kagamitan sa panganganak ni Snow. Nakisuyo na rin siya kay Roman na tawagan ang kanyang Ninong Eduardo. “Will Snow and her colt survive Eliza?” nag-aalalang tanong n Roman. He felt so helpless. Sa haba ng panahon sa larangan ng horse breeding, ni minsan ay hindi pa sila nakaranas ng suhi na bisero pati ang premature na labor. “Kayayanin naman na malabas ng normal ang bisero Sir. Pero kailangan na i-incubate ito at matutukan ng maayos ang pag-aalaga dito. May incubator ba kayo dito?” Natigilan si Roman. Wala silang incubator! Paano na ang isisilang na bisero ni Snow? “Kung wala Sir ay maaari naman mag-improvise. Magpakulo kayo ng tubig at magpahanada ng mga glass bottles. Kung may wooden tub kayo ay mas mabuti. Magpahanda din kayo ng maraming tela dahil magiging madugo ito.” Sinunod lahat ni roman ang utos ni Eliza at bente minutos pa ay dumating ang ibang mga tauhan na may dala na malaking batya. Pinagtulungan ng mga ito gawin ang utos ni Eliza. Humahangos na dumating ang Ninong Eduardo ni Eliza. Napanganga pa ito ng nakita ang duguang braso ni Eliza. “Hija, anong nangyari? Bakit duguan ka?” “Ninong, I did an internal examination at breech nga ang colt na nasa loob. Kailangang dukutin ang ito para mailabas na ang bisero bago pa siya ma-suffocate. What causes this is because there is a placenta previa. Kung hindi natin dudukutin ang bisero ay maaring ikamatay nito ang mabilis na pagkaputol ng oxygen supply nito bago mailabas ni Snow,” paliwanag ni Eliza. Nawindang si Roman sa narinig mula sa mga Beterinaryo. Pero namilog ang kanyang mata nang pumutok ang panubigan ni Snow. Napanganga si Eliza ng bumulwak ang panubigan ni Snow. Wala na silang panahon dahil kailangan mailabas nila ng maayos ang bisero sa loob ng kalahating oras kung hindi ay masu-suffocate ito sa kawalan ng oxygen. “Emil hawakan mo si Snow sa ulo at kailangan mo ang tulong ng ibang tauhan,” utos ni Eliza. Kagyat na lumapit ang mga tauhan kabilang si Mang Ernesto at Ninong Eduardo. “Kayanin mo kaya Eliza?” tanong ni Roman. “Kakayanin ko Sir. Nagpaanak din ako ng kambing na suhi dati kaya sana kayanin ko ito. Kailangan ko po ang nakaantabay na iba pang tauhan na sasalo sa bisero.” Lumayo si Roman doon. Natatakot siya para kay Snow dahil panay halinging na ito at halatang nahihirapan ito. “Snow, kaya mo yan. Kailangan mo magtiis kawawa naman ang baby mo,” bulong ni Eliza sa hayop. Makapigil hininga ang kaganapan sa kuwadra. Halos mligo na sa pawis si Eliza sa ligalig ni Snow. Ang ibang tauhan ay takot na nang minsan sumipa ito at muntik silang tamaan. Pero nagdiwang ang lahat ng naitawid nilang mailabas ang bisero ni Snow. Kaagad na lumapit si Roman kay Eliza pero nagtaka siya ng mabilisan nitong hinimas-himas ang likod ng bisero na hindi gumagalaw. Kinakabahan si Roman. “Is he okay?” urirat niya sa duguang si Eliza. “I just need to produce heat in his body.” Kumuha ng mga nakahandang towel si Eliza at pinunas iyon sa bisero. Abala pa rin siyang pinupunusan ang bisero. Kinuha ang stethoscope na nasa kalapit na kit at dinikit iyon sa dibdib ng hayop. Nang wala siyang narinig ay inumpisahan na niyang i-rub ang bandang dibdib ng hayop. Ilang ulit niyang ginawa at nang wla pa rin ay inumpisahan niyang i-pump ang dibdib nito. Roman felt so helpless. Kitang-kita kung paano pinagsisikapan na maisalba ni Eliza ang bisero na wala ng hininga. At nagulat siya ng bugahan ng dalaga ang bibig ng hayop. Patuloy lang ito hanggang sa nakita niyang umiktad na ang bisero. “Thank you Lord!” usal ni Eliza. Pagod man ay nailigtas niya si Snow at ang bisero nito. Parang galing siya sa isang slaughter house dahil sa pinaghalong dugo at amniotic fluid pero masaya pa rin siya. Kagyat niyang inutusan ang mga tauhan. Ang kanyang Ninong Eduardo ang siyang punong abala sa pagmamando sa mga tauhan Ito na rina ng umasikaso kay Snow. Napasalampak si Eliza sa gilid ng kuwadra at napahiga sa sobrang pagod. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod na hatid ng halos isang oras na madugong pagpapaanak kay Snow. Hinayaan na muna ni Roman si Eliza. Para itong isang zombie na galing lumapa ng biktima. Sabog ang buhok, naliligo sa dugo at pawis at ang mukha nito ay may bahid pa ng make up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD