HSV: Party

1328 Words
Nagtaka si Eliza na biglang naging seryoso ang amo. Nginitian niya ang katabing kapwa Beterinaryo na nagpakilala na si Neil. Halatang distracted ito sa kanya at nagpapansin sa pamamagitan ng pasimpleng paghawak sa braso ni Eliza. “Excuse me, Dr. Neil, is there anything you wish to discuss in private with Dr. Eliza?” Bakas sa mukha ni Roman ang iritasyon dahil sa nakikitang distraction sa tauhan. “Nothing Sir. Just introducing myself to her.” Nakayukong saad ng binata. “We are here to discuss the birthing plan of the broodmare Snow, so you better have the most brilliant ideas.” Tumikhim muna si Roman bago nag-umpisa si Dr. Eduardo sa kanilang discussion. Unang tinalakay ang latest sonogram report na kasalukuyang nasa ika-sampung buwan ng pagbubuntis ni Snow. Breech ang posisyon ng foal na nasa sinapupunan ni Snow at lalaki pa man din ang ipinagbubuntis nito. Hindi pa nila kailanman nararasan ang ganoon kaya may mungkahi si Eliza. “Have you ever heard that foals are delivered via c-section? I haven't tried though. Aso lang na pug ang na-assist ko on my OJT.” Naayuko si Eliza pagkatapos sabihin iyo sa mga ka-meeting. Bigla siyang kinabahan sa kawalan ng response ng mga kausap. “Any suggestions on how that would be feasible? Like who is going to perform the operation and how much does it cost?” Curious si Roman na malaman kung sino sa tatlong empleyado ang mas may alam na paraan. Kailangan ni Roman na maitawid ang panganganak ni Snow dahil ito ang isa sa pinakamasipag mag-produce ng mga foal na thoroughbred. Nakailang panganak na ito at pawang satisfied ang mga customer nila sa mga bisero ni Snow. “May kakilala po akong Veterinarian Surgeon Sir. Nasa kabilang ciudad. On-call naman siya dahil retired na siya pero paminsan ay may kumukuha sa kanya dahil marami na kasi case na kahit mga cattle ay nanganak ng breech lalo na iyong may mga high value breeds like brahman and bragyu.” Mahabang paliwanag ni Eliza sa mga ka-meeting n nakanganga lang sa kanya. Tumikhim siya at nahimasmasan ang mga ito. “Would that procedure be worth it?” tanong ni Roman. “Thoroughbred horses are expensive and doing the procedure will ultimately save the broodmare. Why not? Not unless you want both the mare and the foal suffer!?” “Hindi ba pwede na vaginal birth na lang Doc Eliza. Marami naman na seasoned na taga-assist na mga tauhan ng Hacienda Vergara.” Suhestiyon ni Dr. Neil. “Pwede naman pero malaki ang posibilidad na mamatay ang foal dahil ma-suffocate sa birth canal ng ina.” Marami pa silang napag-usapan sa meeting at pagkatapos ay binisita nila si Snow sa kuwadra nito. Kaagad nabighani si Eliza sa kabayo. Katulad ng pangalan nito ay singputi ng niyebe ang balahibo nito. Parang nahipnotismo si Eliza sa ganda ng kabayo at walang pag-aalinlangan niyang hinimas ang maumbok nitong tiyan. Mas lumapit pa si Eliza kay snow at hinipo ang ulo nito at tila may ibinulong ito sa kabayo at tila nakaintindi ang hayop at humahalinghing ito at inilapit ang nguso sa mukha ng dalaga. Nagulat ang tatlong lalaki ng dinilaan ng kabayo ang mukha ng dalaga na tuwang-tuwa sa ginawa ni Snow. Umalingawngaw ang mabining hagikgik ni Eliza sa kuwadra at nagkatinginan na lang ang tatlo. Nagpasya silang pabayaan na muna ang dalaga doon at umalis sila. Na-amuse si Roman sa uri ng pakikipagtalastasan ni Eliza sa alaga. Mailap si Snow kahit sa dalawang beterinaryo at tanging kay Roman at Emil lamang ito nagpapahawak. Kaya napanatag ang loob ni Roman sa kaalamang napaamo ni Eliza ang mailap na si Snow. Mas madaling i-check ang kalagayan nito dahil malalapitan na ng isang beterinaryo. Napawi ang ngiti ni Roman ang ngiti ng isa niyang Beterinaryo na si Doc Neil. Napansin niya na tila isa itong schoolboy na nagkagusto sa teacher nito. Nairita si Roman sa ideya na may kompetensya sa atensyon ni Eliza kay may naisip siyang isang ideya. “Ahm, excuse me Doc Neil. Since Eliza gave us the best solution, why not relieve her as the cattle supervisor. Pwedeng ikaw na muna ang mag-supervise sa recovery ng mga baka na tinamaa ng bluetongue disease. Emil will assist you. While Eliza and Doc Eduardo will be mainly assigned here to monitor Snow and the rest of the mares and the insemination procedures.” “Does she know about the insemination procedure?” “Thats why Doc Eduardo is here. He can assist her for the meantime. You will be back here once Snow will deliver the foal. Walang nagawa ang kawawang Beterinaryo kundi sumunod sa gusto ng amo. _______ Dumating ang gabi ng party. Katulad ng pangako ni Roman, pinadalhan niya ng damit si Eliza. Isang mermaid cut, halter gown na kulay burgundy at may katerno pa na velvet pumps. Nasorpresa pa si Eliza sa natanggap dahil parang sinukat iyon sa kanya. At para makompleto ang kanyang look ay pinadalhan pa siya ng amo ng beautician na isang binabae. Tuwang-tuwa si Patricio o Tricia na ayusan siya. Halos maluha ito pagkatapos na makita ang kanyang anyo matapos ang make up session. “OMG! Magtapat ka Doc! May something ba kayo ni Sir Roman?” Pang-iintriga ni Tricia kay Eliza na abalang sinisipat ang anyo sa salamin. “Huh? Bakit ka nagkaroon ng ganyang opinyon aber?”Tinaasan ng kilay ni Eliza ang kausap. “Bakit siya nag-abala na pagandahin ka at my pa-gown pa. Hindi mo ba alam? Ako ang pumirma ng acknowledgment receipt ng gown. At nawindang ako sa presyo! Kita mo itong mga alahas na ito?” Minuwestra nito ang isang kahon na parisukat at binuksan. Napaawang ang bibig ni Eliza ng makita ang isang set ng diamond earrings. “At ngayon sasabihin mo sa akin wala kayong something ni Sir Roman?” Tinaasan ng kilay ni Tricia si Eliza at pailalim na tiningnan ang dalaga. “Wala naman talaga! Pasasalamat niya lang siguro dahil naapula namin kaagad ang sakit ng mga baka noong kakapasok ko pa lang dito. Ikaw ha! Isa ka talagang dakilang assumera!” Kunwari pa ay umismid si Eliza pero ang totoo ay kinikilig siya deep inside.Natigil lang ang huntahan nila ng may narinig silang sasakyan na pumarada. Bumaba na si Eliza at Tricia at lumabas na ng bunkhouse. Kipkip ang kanyang clutch bag na tanging laman ay lipstick at cellphone ay sinarado na nila ang bunkhouse. Ang driver na si Mang Ador pala na pinapasundo na sila ni Donya Olivia. Lulan ng pick up ay tumungo na sila sa mansion ng mga Vergara. Kinakaban si Eliza lalo pa at unang pagkakataon na dadal siya sa mga party na pawang mga mayayaman ang dadalo. Nang pumarada na ang pick up ay huminga muna ng malalim si Eliza. May naririnig na siyang tugtugan ng arkiladong banda. Medyo may liwanag pa pero dinig niya na marami na ang dumating na panauhin patunay nito ang mga nakaparadang mga sasakyan na pawang mga luxury cars. “Huwag kang kabahan Doc. Tiyak kabog silang lahat sa beauty mo.” Ang pagbibigay lakas loob ni Tricia kay Eliza. Maingat na naglakad si Eliza at kaagapay ang makeup artist na kasama. Nasa gate na siya ng mansion ng mga Vergara nang sinalubong siya ni Roman. Halos lumuwa ang mata ni Roman nang makita si Eliza. Gaya ng kanyang inaasahan ay napakaganda nga naman nito. Bumagay ang gown na siya mismo ang pumili para rito at nag-compliment pa pati ang alahas suot pati ang sapatos “You look gorgeous tonight, Doctor Ruiz.” Kinuha ni Roman ang kamay ni Eliza at kinintalan ng halik. Halos mangisay sa kilig si Tricia sa gilid at tinakpan pa ang labi nito ng kanyang kamay upang hindi makalikha ng ingay. Binalingan ito ni Roman at pinasalamatan. “You did an amazing job, Tricia. May bonus ka sa akin.” “Thank you Sir Roman.” Sabihin pa ay lalong sumilay ang mas malaking ngiti sa labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD