Matapos ang mainit na tagpo sa sapa ay kapwa nakangiti ang dalawa. Wala mang salita na namumutawi sa kanilang mga bibig ay dama nila ang bilis ng t***k ng kanilang mga puso. Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa kanilang pagitan. Niyakap ni Roman ang dalaga at hinalikan ng banayad ang tungki ng ilong ni Eliza. Kinuha niya ang mga saplot nila at iginiya ang dalaga sa gilid ng sapa. Kapwa abala sa pagbibihis ang dalawa pero pinigilan ni Roman na muling isuot ang basang damit ni Eliza. Nagtaka si Eliza kung bakit ayaw ni Roman na magbihis siya. Naglakad ito patungo sa sasakyan nito at may kinuha sa compartment. Pagbalik nito ay hawak na ang checkered na long sleeve. Inabot niya ito kay Eliza. “Here, wear this. And I won't allow you to be at the back of the car.” Hinawakan siya ni Roman at

