30

1057 Words

“MAY MISS na blooming.” “Frecy! Marga!” bulalas ni Iarah nang pumasok sa opisina niya ang dalawang babae. Natutuwa siyang makita ang mga ito. Ang mga ito ang itinuturing niyang mga matatalik na kaibigan. “Tanghalian na, girl,” ani Marga sa kanya. “Masyado kang busy sa trabaho. Tara, kain tayo sa labas.” Napatingin siya sa orasan ng computer niya. Tanghalian na nga pala. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Pinatay na niya ang computer niya at sumama na palabas. Nagtungo sila sa isang tahimik na restaurant sa malapit. Hindi niya inakala noong una na magiging matalik na magkaibigan sila ni Marga o “Princess Margarette” noong nasa showbiz pa ito. Madalas kasi niya itong pagselosan noon dahil ka-love team ito ni Vann Allen. Madalas siyang naiinggit dito. Napakabait pala talaga nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD