“HOME sweet home,” bulong ni Vann Allen habang naglalakad siya palabas ng airport. Maraming mga tao ang nag-aabang sa kanya. Ang ilan ay nagtitilian. Kahit nakasuot siya ng dark glasses, nasisilaw pa rin siya sa mga kislap ng camera. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi. Paminsan-minsan ay sumasagot siya sa mga tanong ng mga reporters na pilit na umaalpas sa mga security niya. Ganoon ang eksena kapag alam ng buong madla na uuwi siya sa bansa. Ang akala ng karamihan, taon na ang lumipas mula nang umuwi siya sa Pilipinas. Hindi alam ng mga ito na madalas siyang pasekreto kung umuwi. Sumakay siya sa isang van at nagtungo sila sa isang hotel. May press conference siya roon kasama ng iba pang Lollipop Boys. Sa wakas ay matutuloy na ang comeback ng Lollipop Boys. Kahit isang album

