NILAPITAN ni Vann Allen si Janis na nakaupo sa isang bench sa hallway ng ospital. Nababanaag ang matinding lungkot sa anyo nito. She was staring blankly at the wall. Umupo siya sa tabi nito. Tumungo siya upang walang makakilala sa kanya. Nakasuot siya ng baseball cap at dark glasses. “Kumusta na si Iya?” tanong nito sa kanya. “Nakatulog na sa pagod sa pag-iyak,” sagot niya bago napabuntong-hininga. Awang-awa na siya rito. Hindi na niya alam kung paano ito aaluin. “Gusto ko ring umiyak nang umiyak, Vann,” daing nito. “Awang-awa na `ko sa kapatid ko. Kung ako nga, hirap na hirap na, siya pa kaya? Gusto ko nang puntahan ang ama ni Daniel at hingin ang contact number ng walanghiyang lalaking `yon. Hindi fair na kapatid ko lang ang naghihirap. Hindi lang naman siya ang mag-isang gumawa ng b

