ANG NAKANGITING mukha ni Vann Allen ang unang nakita ni Iarah pagmulat niya ng mga mata. Pakiramdam niya ay nakakita siya ng isang anghel. Ngumiti rin siya rito. “How are you?” tanong nito habang tinutulungan siya nitong bumangon. “How do you feel?” “Okay lang,” sagot niya. Nginitian din niya ang kanyang ina at kapatid na naroon din. “Ano ang gusto mo? May gusto ka bang kainin?” tanong uli ni Vann Allen sa kanya. Umiling siya. “Ang baby ko?” “Dadalhin na raw ng nurse dito,” sagot ng ate niya. “Kailangan mo na raw i-breastfeed.” Hindi nagtagal ay pumasok ang isang nurse at ang doktora niya, karga-karga ang sanggol niya. Kaagad na inilahad niya ang kanyang mga braso para sa anak niya. Tinuruan siya ng doktora kung paano ang tamang paghawak ng sanggol. Inilabas nito ang isang dibdib niy

