NAGISING si Iarah dahil sa p*******t ng kanyang tiyan. Dumako ang tingin niya sa orasan sa bedside table. Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. Huminga siya nang malalim upang kahit paano ay maibsan ang kaba niya. Sa susunod na linggo pa ang due niya. Hindi pa dapat lumabas ang baby niya. “Kalma, baby. Next week ka pa dapat lumabas,” bulong niya. Nitong mga nakaraang araw ay nahaluan na ng matinding takot ang excitement niya. Paano kung may mangyaring masama sa dinadala niya? Umiling siya. Hindi siya dapat mag-isip ng anumang negatibo. Tila umepekto ang pagkausap niya sa anak niya dahil nawala ang paghilab ng tiyan niya. Muli siyang pumikit at nagbalik sa pagtulog. Paggising uli niya, nadatnan niyang naghahanda ng almusal ang nanay niya. Dalawang linggo na ito sa Maynila. Lumuwas ito

