SAPU-SAPO ni Vann Allen ang dibdib niya habang nakasalampak ng upo sa loob ng dressing room. Katatapos lamang ng number at short interview ng Lollipop Boys. Kabadung-kabado siya kanina. It took so much effort to smile and perform like he had been doing it for a long time. Hindi iisang beses na tila pakiramdam niya ay maninigas na lang siya bigla sa sobrang kaba. Hindi rin miminsang inakala niyang sasablay siya sa lyrics at steps. Kahit nairaos na niya iyon, hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib niya. Sa katunayan, dapat ay nagbibihis na siya dahil may press conference pa sila. Kinaka-bahan siya na baka mamali siya ng sagot sa mga press people. Natatakot siya na baka kinabukasan ay pangit ang reviews na mailathala sa mga babasahin. Natatakot siyang hindi sila tangkilikin ng mga tao. Tina

