PINALIS ni Iarah ang kamay ni Daniel na patungo na sa kanyang dibdib. Itinulak niya ito palayo sa kanya, dahilan upang maghiwalay ang magkalapat na mga labi nila. “Mood spoiler,” he muttered. Tila nainis ito nang bahagya sa kanya. Pinunasan niya ang mga labi niyang namamasa. “You are crossing over the line,” naiinis ding sabi niya. Nasa loob sila ng sasakyan nito na nakaparada di-kalayuan sa apartment. Tinted ang sasakyan nito, gayunman ay nag-aalala pa rin siyang baka may makakita sa ginawa nila at isumbong siya sa kapatid niya. Ayaw niyang mapauwi sa probinsiya nang wala sa oras. Napapansin niyang nadadalas na ang pagiging mapusok ni Daniel. Hindi na niya minsan gusto ang paraan nito ng paghalik sa kanya. Kapag nagkikita sila, parang ang gusto lamang nitong gawin nila ay maghalikan s

