9

1323 Words

WALANG gana si Vann Allen habang nasa klase siya isang umaga. Pinaglalaruan niya ang mga syringe sa harap niya. Bago siya umalis ng bahay kanina ay narinig niya ang pag-uusap ng nanay niya at ni Mr. Garina. Si Mr. Garina ay kilalang mayaman sa lugar nila. Nagpapautang ito ng five-six. Nangutang pala ang mga magulang niya rito para makapag-enroll siya nang nagdaang taon. Mataas magpatong ng interes si Mr. Garina. Ngunit sa tindi ng pangangailangan nila ay kumagat ang mga magulang niya. Mas malaki ang tubo niyon kaysa sa talagang halaga ng inutang nila. Naniningil na si Mr. Garina. Mukhang nagalit pa nga ang matandang lalaki nang sabihin ng kanyang ina na wala pa silang pambayad. Ang sabi ng nanay niya ay gagawa ito ng paraan. Ngunit alam niyang wala itong paraan na magagawa kundi ang umu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD