ARAW ng concert ng Lollipop Boys. Napapangiti si Iarah habang pinapanood niya ang anak niyang hindi mapakali sa paghahanda. Excited na excited ito. Animo ito ang may concert. Kahit siya ay excited. Matagal din niyang inasam na makitang magkakasama uli ang Lollipop Boys sa iisang stage. Hindi lamang silang mag-ina ang excited. Libu-libong tao ang excited para sa gabing iyon. Tatlong araw nga lang ay sold-out na ang mga tickets ng concert. Nagtungo na silang mag-ina sa concert venue. Hindi pa niya nakakausap si Vann Allen ngunit umaasa siyang makakapag-ayos na sila pagkatapos ng concert. Ayaw niyang magbalik ito sa New York na hindi sila nakakapag-ayos. Nananalangin siyang sana ay magkabati na sila. Katabi nila sa front row ang mga kapamilya ni Vann Allen. Binati rin niya ang mga girlfri

