34

1311 Words

NAGULAT si Vann Allen sa mga nadatnan niyang mga tao sa conference room ng building ng VA Food Corporation. Katulad ng mga naitatag na ibang negosyo ng pamilya niya, isinunod sa pangalan niya ang pangalan ng kompanya dahil galing sa kanya ang panimula ng mga negosyo. Iyon lamang naman ang kontribusyon niya sa mga negosyo: siya ang nagbigay ng pondo. Ang tagumpay ng mga negosyo ng mga ito ay dahil sa sipag at galing ng mga kapatid niya. Nasa conference room ang mga babaeng malapit sa puso niya—ang nanay niya, mga kapatid, dalawang sekretarya at stylist. It was past office hours. Ang sabi ni Cheryl ay kailangan niyang magtungo roon dahil ipinapatawag siya ng Ate Jhoy niya. Umupo siya sa kabisera. “May meeting ang VAWA?” aniya sa amused na tinig. Nagtatakang napatingin sa kanya ang mga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD