33

1300 Words

HINDI magawang salubungin ni Iarah ang masamang tingin ni Vann Allen. Bahagya siyang natakot sa tindi ng poot na nabasa niya sa mga mata nito bago siya nag-iwas ng tingin. Kahit mukha itong matandang lalaking malaki ang tiyan, alam niyang si Vann Allen ito. Kahit si Daniel ay tila hindi mapakali. Nakatingin ito kay Enzo na nagtatakang nakatingin din sa kanila. Magkasalubong ang mga kilay nito. Napakakapal ng tensiyon na nakapalibot sa kanila. “Who’s he?” Si Enzo ang bumasag sa hindi komportableng katahimikan. She cleared her throat. “Enzo, anak, he’s Daniel Runestone.” “I’m your father,” sabi ni Daniel. Nais niyang magalit dito dahil pinangunahan siya nito. Ibinilin na niya kaninang hindi nila maaaring biglain ang bata. “Yes, Enz, he’s your father,” Vann told her son. Cold anger was

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD