TUWANG-TUWA si Iarah habang niyayakap ang Ate Janis niya. Kadarating lang niya sa apartment ng mga ito. Doon na siya titira mula sa araw na iyon. Sa makalawa ay papasok na siya sa kolehiyo. Nakapasa siya sa scholarship program ng isang sikat na unibersidad. Accountancy ang kukunin niyang kurso. Kailangan lang niyang mag-aral nang maigi upang ma-maintain niya ang matataas na grado niya upang manatili siya sa scholarship program. Tutularan niya ang ate niya na napakasigasig sa pag-aaral. “Kumusta ang mahabang biyahe?” tanong ng kapatid niya habang tinutulungan siyang ipasok ang mga gamit niya sa loob ng kuwarto. “Ayos lang. Hindi naman kami nahirapan. Komportable ang bagong sasakyan ni Daniel. May kasama rin kaming driver.” Umasim ang mukha nito pagkabanggit niya sa pangalan ng kanyang n

