Beatrice's POV
Im unpacking my clothes when someone calling to my precious phone. I answered it.
"Oh, Mars? Masyado pang maaga ah? Hindi ba sa saturday pa ang kasal mo?" bungad ko sa kaniya.
"Mars..." Natigilan ako ng marinig ko ang naiayak na boses niya.
"Laura, tell me. Ano na namang ginawa ng dalawang gago na yon?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya umimik pero rinig ko ang paghikbi niya. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Naiyak na naman siya.
"Mars, asan ka? Magkita tayo. Pupuntahan kita," sabi ko sa kaniya.
'It's okay, Mars. I caan handle this. Dont worry about me," sabi niya.
"Hay nako, Mars! Ayan ka na naman sa okay mo eh! Huli mong sinabi yan yung naiyak ka at muntik ka nang magpakamatay!" sabi ko sa kaniya. Nag-aalala ako kahit sabihin pa niya na nasa bahay siya at kasama ang pamilya niya.
Mahilig kasi siya magtago ng nararamdaman niya specially to her parent. Ayaw kasi niyang nag-aalala sila.
"Okay lang talaga ako, Mars. Nagbabawas lang ng sama ng loob," sabi niya pa.
As if namang maniniwala ako sa kaniya? Palagi namang iyan ang dahilan niya kapag may probllema siya.
"Ako paa lolokohin mo? Alam mo, Mars. Mas kilala kita kaysa sa sarili mo. Kung ang sarili mo, kaya mong lokohin, ako hindi. Kaya tell me, what happened?" tanong ko sa kaniya.
"Loka ka talagaa. Pero, Mars. Okay na talaga ako. Thank you sa time. Na-istorbo ko ata kayo ni Noah," sabi niya pa.
"Hindi naman, wala pa ngaa siya. Ang usapan namin alas-syete. Pero anong oras na wala pa rin siya. Minsan nga iniisip ko nangbabae na rin yung loko na yon. Huwag lang siya magkakamali, kasi lalasunin ko siya.
"Hoy! Wag kang ganiyan, Mars. Masyado kang nag-iisip ng kung anu-ano. Sige na, goodnight!" paalam niya.
Matapos naming mag-usap, sakto namang may kumatok sa pinto ng condo ko.
"Babe?" nagtatakang tanong ko habang nakatalikod ang isang lalaki sa harap ng pinto ng unit ko.
"Miss me, babe?" Unti-unti siyang humarap at ngumiti.
"Kapal mo rin ha?" sabi ko sa kaniya at tinarayan siya.
"Bakit ngayon ka lang?" nagtatakang tanong ko.
"Ah, galing ako kay Jules. Nag-usap lang kami about don sa proposal ni Leo," sabi niya.
"Oo nga pala, Babe? Kamusta na paa si Sir Jules?" tanong ko sa kaniya bago umupo sa sofa.
"He's fine, pero syempre masakit pa rin ang nangyari sa kaniya. Lalo na ngayon nalaman niyang may lalaki si Danica," paliwanag niya.
"Alam mo? Hindi ko taalga gets kung bakit iniwan ni Danica yan si Sir Jules eh! Kung tutuusin, nasa kaniya na ang lahat! Gwapo, mayaman, matalino, marespeto at responsable," sabi ko sa kaniya.
"Hinanap kasi ni Danica ang mga wala kay Jules. Kaya siya nakulangan," depensa niya pa.
"Well, ang tanga niya at hiniwaalyan niya si Sir Jules. Para bang nasa ulap ka na bumaba ka pa sa lupa," naiinis na sabi ko. Kasi naman inggit na inggit ako diyan kay Danica noon.
Biruin mo? Crush na crush ko yan si Sir. Pero hnggang don lang naman iyon. Wala nang hihigit pa dahil hindi kami bagay. Masyado siyang mataas. Tapos makikita kong si Danica lang pala ang naging asawa niya? Si Danica na b***h!
Ang swerte niya at pinatulan siya ni Sir Jules.
"Babe, hindi kailangan ni Danica ng pers dahil mayaman siya," depensa na naman ni Noah. Kaya naman napataas ang kilay ko sa kaniyam
"Sandali nga! Sino ba ang kaibigan mo? Si Danica o si Sir? Bakit puro si Danica pinapanigan mo?" mataray na tanong ko.
"Babe naman, baka pati tayo mag-away dahil sa kanila?" di makapaniwalang tanong niya.
"So bakit sa kaniya ka kumakampi? Bet mo siya?" mataray na tanong ko ulit.
Tumawa lang siya bago magsalita
"Of course not! Babe, look! Masyado kang paranoid na naman. Alam mong mahal na mahal kita," sabi niya at hinalikan ako.
"Sure?" paninigurado ko.
Ngumiti naman siya bago muling tumitig sa akin.
"Sure na sure," nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa labi.
LAURA'S POV
"RC..." bungad ko sa kabilang linya.
"Ma'am Laura, sorry po talaga. Kasi po yung event coordinator natin tumawag. Made-delay raw po ang supplier nila. Ma-'am kaya baka ma-delay rin po sa reception." sabi ni RC. Napahilamos ako ng mukha.
"What? Tinawagan mo na ba si Frances?" tanong ko sa kaniya.
"Maam nasa Hongkong po si Ma'am Frances. Naka-leave rin raw po siya," sabi niya pa.
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Kung kailan naka-leave ko tsaka dumagsa ang problema sa Tala. Isa pa sa kung kailan malapit na ang kasal ko tsaka pa nagkaganito? It's is the sign? Na hindi na dapat ako magpakasal pa kay Liam?
Maya-maya muling tumawag si RC. Huminga ako ng malalim bago ko muling sinagot ang tawag niya.
"Ma'am Laura, may problema po ulit tayo. Katatawag lang po ng secretary ni Ms. Frances hindi niya rin aw po ma-contact si Ms. Frances," sabi niya.
"Ako na ang tatawag sa kaniya, sabihin mo kay Rheza, tawagan niya ang suplier na nasa log book ko sa office. Yun na lang ang kukuhain natin," sabi ko pa.
"Sige po Ma'am," sabi niya.
Matapos kong kausapin siya humiga agad ako sa kama. Parang sumakit ang ulo ko sa sianbi niyaa. Kaya hahanda ko naa ang sarili ko sa susunod na problema na sasabihin niya.
"KAYA MO TO, LAURA. sIMPLENG PROBLEMA LANG ITO," sabi ko sa saiili ko,
Maya-maya may kumatok sa pinto ng kwaro ko. Tinitigan ko lang iyon at bumungad sa akin si Beatrice.
"MARRSSS!" masayang bungad naman niya sa akin.
"Why are you here?" nagtatakang tanong ko.
"I just want to check you," sabi niya pa.
"Ano ka ba okay lang ako, nag-abala ka pa,"
"Baka nakakalimutan mong kaibigan mo ko?" tanong niya na para bang nagtaataampo.
"So tell me, bago ka maan laang ikasal. Ano yung problema mo kagabi?" sabi niya.]
"Mars, wala yon--"
"Ahh, so wala kaang tiwala sa akin?" tanong na naman niya.
Tinignaan ko siya nang natatawa. Nagtatampo siya.
"Oo na sasabihin ko na..." sabi ko. Alam ko namang hindi titigil yan kakatanong.
FLASHBACK
Paakyat na ko ng hagdan nang may marinig akong kalabog mula sa laabas. Kaya naman minabuti kong sumilip doon.
Nang buksan ko ang pinto, naistatwa ako sa nakita ko. Pero mas nagulat ako sa mga narinig ko.
"Paano na ngaayon? Alam naa pala ni Laura peo pinagpatuloy niyo?!" tanong ni Mama kay Lourelie.
"Yes, she saw us. I don't know if she heard everything." kalmadong sabi ni Lou.
"The hell, Lourelie! Hindi ka ba nag-iingat? Paanong narinig ni Laura ang tungkol sa inyo ni Liam?"
Natagilian ako sa mga sinasabi nila. Alam nila? Pero kinunsinti nila?
Sa sobrang sama ng loob ko, tahimik akong pumasok ng bahay aat umakyat sa kwarto ko. Isinubsob ko doon ang mukha ko sa unan na nasa tabi ko.
END OF FLASHBACK
"SERIOUSLY?! Eh gago ttalaga yang kapatid mo!' sabi niya pa habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Shh, kumalma ka nga. Masyado kang paranoid," sabi ko pa.
"Oh ano sabi ng fiance mong siarulo?" mataray na tanong niya.
"Hiniwalayan na raw niya si Lou--"
"At naniwala ka naman? Alam mo konti na lang papatayuan na kita ng rebulto. MY GHAD, LAURA! Maganda ka! Matalino, responsable at higit sa lahat ang dami mong manliligaw. Mas higit pa diyan sa fiance mong bulok!" inis na sabi niya.
"Mars, I love him, kaya papaniwalaan ko siya. Ayokong mabuhay sa selos lang,' paliwanag ko sa kaniya.
"Hay nako, Laura! Sinasabi ko sayo, once a cheater is aalways a cheater! Kung nagawa niya noon nang hindi pa kayo kasal, for sure gaagawin niya rin yan!" sabi niya pa.
"Napaka-judgemental mo naman, Mars. Alam kong aya mo kay Liam, pero kung kikilalanin mo siya for sure makikita mo kung ano ang nakita ko sa kaniya," mahabang paliwanag ko.
"Hayst! Ewan ko lang," sabi niya pa.
Fast Forward
Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. Kahit sabihing nakangiti ako, hindi pa rin maaalis ang lungkot sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero hanggang ngayon nagtataampo pa rin ako. Ang daming bagay ang pumapasok sa utak ko. Ikakasal na ako bukas. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Maraming gumugulo sa utak ko.
Muli kong tinitigan ang picture namin ni Liam. Masaya naman kami noon, hindi ko lang alam ngayon. Bakit nagkaganito. Nagkulang ba ko? Bakit parang feeling ko kasalanan ko? Bakit para bang ako ang may mali?
Isang malalim na paghinga ang kumawala sa akin. Kailanan ko sigurong tanggalin lahat ng nasa dibdib ko. Kailangan ko sigurong alisin lahat ng doubt dito.
Napatingin ako orasan ng mapansin kong gabi na pala. Kaya naman naisipan kong bumaba na lang muna. Tahimik na sa baba, kaya namaan pumunta akong kusina par tignan kung aano ang pwede kong kainin. Saktong pababa na ako ng marinig ko ang boses ni Lourelie.
Kaya naman mas laalo akong na-curious kung sino ang kausap niya. Lumapit ako sa pinto ng sala, nasa labas siya at may kausap.
Halos mabingi ako nang marinig ko ang mgaa sinabi niya. Mas masakit pa pala to sa una kong narinig sa kaniya. Dama ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko nang sambitin niya iyon. Paraa aakong na-istatwa sa nariniig ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaaman ko ngayon.
Mas lalong gumulo ang isip ko. Bakit? Bakit sa akin pa nia ginawa to? Sa sobraang pagkabigla ko, agad akong tumakbo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nakita ba niya ako. Pero wala na akong pake. Masyado nang masakit ang lahat ng narinig ko.
Muli naa naman akong umiyak sa kwartto ko kasama ang unan na saksi sa laahat ng sakit na naraNAsan ko. Bakit ba ang hina ko? Naniwala naamaan aako kaay Liam, dahil alam kong mahal niya ko.
Mahal na mahal ko ang pamilyaa ko. Kaya hindi ko magawang magalit kay Lourelie. Dahil kapatid ko pa rin siya kahit inahas niya ang fiance ko. Hindi ko kayang ipagpalit ang pamilya ko kahit sa sinuman. Mahal na mahal ko sila. Pero anong gagawin ko?
Hinayaan ko muling mabasa ang unan ko ng luha ko. Ito lang ang makakapagpakalma sa akin.