JULES' POV
"Sir Jules, congrats! Ang galing niyo po! Gusto po kayong interview-hin ng mga press for your next project," sabi ni Lhiane.
"Thank you," nakangitIng sabi ko bago ako humarap sa cellphone ko.
It's already ten in the morning. So I decided to go outside. I have thirty minutes before the meeting start. I need to drink a coffee to make me calm.
Walking distance lang ang coffee shop, kaya di na ako nag-kotse pa. Naglakad ako hanggang coffee shop. Papaliko na ako nang may makita ako sa di kalayuan. Nasa labas siya ng coffee shop. Naka-upo habang umiiyak.
Sinubukan kong lumapit sa kaniya, pero napanganga ako ng makita ko siya. Siya yung babaeng bride kanina na muntik nang makabangga sa kotse ko.
Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Kaya naman napatitig ako sa kaniya.
And I can't deny that she so beautiful– gorgeous. Parang huminto ang mundo ko ng mas makita ko ang mukha niya. Pinupunasan niya ang mga pumapatak na luha sa mukha niya.
Fuck! Ang ganda niya kahit na umiiyak siya. Naka-wedding gown pa rin siya. Kaya mas lalo akong nagtaka kung ano ang tunay na dahilan.
Akmang lalapitan ko sana siya pero biglang may tumawag sa akin.
"Sir? Andito rin pala po kayo," Marianel said, the manager of Vermont.
"Ah, yeah..." I replied.
"Sir, bakit kayo andito sa labas? Hindi ba kayo papasok?" she asked.
Hindi ako sumagot at muling tumingin sa babaeng naka-wedding gown. Na ngayon ay nag-aayos na ng sarili niya. Kaya naman napilitan akong pumasok ng yayain ako ni Marianel.
I can't remove my sight on her face even though I'm inside the coffee shop. But after a while, I saw her leaving the coffee shop. I tried to chase her, but I failed.
Hindi ko na siya naabutan. Hindi ko na rin nakita kung saan siya papunta.
"Sir, may hinahnaap po ba kayo?" nagtatakang tanong niya.
"Ah nothing..." Nakatingin ako sa daan habang pilit na hinahanap ng mga mata ko ang babaeng iyon.
Fast Foward
"Daddy!" Kianna gladly greets me as I enter our house.
"My princess!" I hug her tightly and kiss her forehead.
"Dad, let's eat?" nakangiting tanong niya bago ako hinila papuntang kusina.
Pagkarating ko doon nakahain na sila habang nakaupo na si Thea at Jaxon.
"Dad," bati nila sa akin.
"How's your day?" panimula ko kay Thea.
"It's fine, Dad," sabi niya bago ngumiti.
"And you, Jaxon?"
Natahimik lang siya bago kuling tumingin sa akin.
"Fine..." walang ganang sagot niya.
"Is there anything problem?" nagtatakang tanong ko.
"Nothing, Dad. Im fine," sabi niya bago pekeng ngumiti.
Hinayaan ko na lang bago ako tumingin kay Kianna.
"And to my princess?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti.
"Dad, Im the rank one in our class!" masayang sagot naman niya.
"Wow! Good job, baby!" nakangiting sabi ko sa kaniya.
Nagpatuloy lang kaming kumain. Nasanay na kaming ganito.
Muli akong napatingin sa isang bakanteng upuan sa tabi ko. Napangiti ako ng mapait.
"Dad, are you sad?" tanong ni Kianna sa akin.
"No, baby," nakangiting sagot ko.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila kung sakaling makikita nila ulit ang mommy nila.
Matagal na rin na panahon. Kaya oras na para malaman nila ang totoo.
LAURA'S POV
"Bes! Myghad! Where are you? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bea sa kabilang linya.
Buhay pa naman ako, Bes!" pilit kong ginagawang masaya ang tono ng boses ko.
"The hell, Laura! Ano bang nangyari? Bakit ka tumakbo sa araw ng mismo ng kasal mo?" nagtatakang taanong niya.
Hindi agad ako nakasagot,. She's my bestfriend since highschool. So hindi ako pwedeng mag-deny sa kaniya.
"Andito ako sa hotel, ibibigay ko sayo ang address," sabi ko bago ipinatay ang tawag.
Fast Forward
"Bes...' malungkot na boses ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto.
Niyakap naman niya ako agad. Kaya naman niyakap ko siya pabalik.
"Tell me, what happened?" tanong niya sa akin.
Umupo naman kaming dalawa sa kama bago ako huminga ng malalim at tumingin sa kaniya. Natigilan siya ng makita ang luha ko.
"Buntis si Lourelie, at si Liam ang ama...." sabi ko na ikinabigla niya.
"Eh gago pala talaga yung dalawang yun eh!" sabi niya kaya agad ko namang hinawakan ang kamay niya.
"Tama na, Bes. Hayaan mo na sila," sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Bes, kung talagang mahal mo siya, bakit di mo pinaglaban? Hahayaan mo na lang na gaguhin ka nila?" tanong ni Bea.
"Sa tingin mo ginusto kong iwanan si Liam? Mahirap para sa akin yun, lalo na nung nakita ko kung paano tumulo ang luha niya nung iwan ko siya," sabi ko.
Natahimik lang siya na tila hinihintay akong magsalita.
"Pero wala, kinain ako ng insecurities at takot ko..." nakayukong sabi ko pa.
Naramdaman ko ang kamay niya na hinaplos ang likod ko,.
"Kung ano sa tingin mo ang tama, gawin mo. No one will judge you even yourself," sabi ni Bea kaya natigilan ako.
"Paano kung mali pala ako? Paano kung akala ko lang pala na tama yon? Ayokong magsisi pagdating ng araw na iniwan ko si Liam at hinayaan na mapunta siya kay Lourelie," nag-aalalang sabi ko.
"Naalala mo ba yung sabi ko noon? Kung ano man ang maging desisyon mo, tanggapin mo at piliin mo laging maging masaya," sabi niya pa.
"Makakaya ko ba? Nasaktan ko ng sobra si Liam. At alam kong sobra rin akong masasaktan," sabi ko sa kaniya.
"Bes, ikaw ang na-agrabyado nila. Niloko ka nila! Hindi naman ata pwede yung ganito lang hindi ba?" sambit niya pa.
Natigilan ako sa sinabi niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit ko nagawa iyon.
"Bes, don't think about it. Sa ngayon, asikasuhin mo muna ang sarili mo." Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Papa at Mama. Same with Liam. Hindi ko alam ang gagawin ko," sabi ko sa kaniya.
"Makakahanap ka rin ng tiyempo para masabi sa kanila ang lahat. Sa ngayon, kailangan mong magpahinga para maiwasan mo ang stress, okay?" sabi niya at niyakap ako.
"Thank you, Bes!" sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
Kasunod noon ay umalis siya ng condo ko. Kaya nagkaroon ako ng time na makapag-isip sa mga bagay na dapat kong unahing gawin bago ang lahat.