“OKAY ka lang ba iha? Uminom kaba kahapon parang namumutla ka?”
Sinilkap kong ngumiti kay auntie Nessa, hindi ko din alam pagkagising ko bigla akong nauuhaw kagaya ng naramdaman ko nung isang araw. Baka ganito ako dahil namamahay ako? Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi, bakit parang totoo? Kahit na anong pilit kong alisin iyon sa isip ko sa tuwing tumitingin ako sa direksyon ni Evander ay pakiramdam ko totoo ang panaginip ko.
“Auntie pwede ko na po bang makausap si lola?” Nanghihina ang boses ko, ramdam ko ang pagod sa katawan ko nang makauwi kami sa rancho. Kahit si auntie ay napapansin ang itsura ko.
“Halika samahan kita sa taas, magpahinga ka uli ha? Siguro napagod ka kahapon.” Sabi niya pa na inalalayan ako sa braso. Umakyat kami sa itaas at nagtungo sa master bedroom.
“Siguro nga po auntie kapag nakausap ko na ho si lola baka umuwi na ho ako bukas ng umaga.”
“Sige, mamaya tutulungan kita mag-ayos ng gamit mo ha.”
Ngumiti lang ako saka kumatok sa kwarto ni lola. Pinihit ko ang doorknob.
“Ma? Kausapin ka daw ni Peony.”
“Peony...”
Binalingan ko si auntie nang marinig kong tawagin ako ni lola.
“Thank you tita, kausapin ko lang si lola.”
“Sige maiwan ko na kayo ha.” Aniya saka iniwan kami. Nilock ko naman ang pinto sa likuran ko.
“Hi po lola..” Nakangiting umupo ako sa paanan ng kama, si lola naman ay nanatiling nakaupo sa wooden chair niya habang nakatalikod sa direksyon ko. I still remember how my grandmother used to smile every time we went to visit them. She used to give me a doll, halos magparamihan pa nga sila ni uncle Miller at Lolo noon sa pagbibigay sakin ng mga pasalubong. They say I’m their favorite.
“Lola miss na po kita.”
“Peony..” Iyon ang narinig ko sakanya. Huminga ako ng malalim at pinagsiklop ang kamay sa binti ko.
“Lola..sorry po kung umalis kami ng walang paalam noon. Gusto ko lang ho sabihin na hindi intension nila mama na kumuha ng pera kay Lolo. Ang totoo po, nagpapadala si Lolo nang hindi nyo alam sa amin. Inipon ho nila mama ang mga iyon para makatakas.” Pag-amin ko, nag-init ang sulok ng mata ko.
“Lola mahal ho kayo ni mommy, kahit na nasa Maynila na kami hindi niya nalilimutan ang birthday nyo.”
Wala akong nakuhang sagot mula sakanya...
“Mahal din po kita lola sana..mapatawad nyo kami ni mommy sa pag-iwan namin sainyo.”
Again, I heard nothing from her..
“Aalis na ho ako lola..” Sambit ko, tumayo ako at niyakap siya sa likod. I could smell her flowers’ familiar scent once again. I remember she was using the white flower, palagi niya iyong hinahaplos sa sentido. Ngumiti ako at tumalikod, paglabas ko ng kwarto ay pinunasan ko ang pisngi ko. Nakita ko si Sarah sa labas na puno ng luha ang mata, nanlisik pa ang mata niya nang makita ako.
“Bakit kasi bumalik kapa?!” Napuno ng sigaw niya ang paligid, nagtatakang tinignan ko siya.
“Ha? Anong ginawa ko sayo?” Na parang kasalanan ko na umiiyak siya.
“It’s all your fault Peony, ikaw na naman ang may kasalanan!” Galit na sabi niya at tinalikuran ako. Mas lalo akong nagtaka ngunit agad din akong natigilan. Hindi kaya sinabi ni Evander ang nangyari samin sa mansion? Napuno ng kaba ang dibdib ko at mabilis na bumaba ng hagdan.
“Hindi naman ho ako nagmamadali Don Reno, I want her to get comfortable with the situation first.”
Iyon ang narinig ko kay Evan nang magtungo ako sa guest room. Natalikod siya sa direksyon ko habang kausap sila auntie at Lolo. Naguluhan ako sa expression ng bawat isa sakanila, they seem anxious and confused at the same time.
“Let me think about it iho..” Narinig kong malamig ang tinig na sabi ni Lolo, kita ko ang pagkakakuyom ng kamao niya. “....I want them to settle things between them first.”
Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila, why do they look so strange?
“Auntie..” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko para kunin ang atensyon nila. Tumingin sila sa direksyon ko, si Evan naman at pailalim na nilingon ako.
“I will take my leave now, Don Reno.” Sambit ni Evan at tumalikod, nagtama ang mata namin dalawa. I saw an unusual sparkle in his eyes. Bahagya pang tumaas ang sulok ng labi niya nang lagpasan ako. Nang tumingin ako muli kina auntie ay parang may inisip sila na mas lalong nagpagulo sakin.
‘What the heck is going on? May sinabi ba sl Evander sakanila?’
“I-iha! Oh nakausap mo na ba si mama?” Si auntie Nessa ang bumasag sa katahimikan. Ngumiti ako saka tumango sakanya.
“Yes po auntie..” Nakita kong mabibigat ang hininga na lumabas si auntie Linda. Isang masamang tingin ang tinapon niya sakin bago tumalikod.
“A-ano pong nangyari?” Sinubukan kong tanungin si auntie Nessa. Si lolo ay nanatili namang tahimik na parang may iniisip.
“Dito na muna ako, aasikasuhin ko lang halaman ko.’’ Sabi naman ni auntie Georgia saka lumabas.
“W-wala naman iha..we’re only discussing the wedding.”
“Ah ganon po ba, oo nga pala lolo since nakausap ko na si lola baka ho umalis na ako bukas ng umaga.” Nakangiting baling ko kay lolo.
“Bwisit!” Nagulat ako nang malakas na hinampas niya ang mesa. Napanganga ako, hinihingal na tumayo siya habang kuyom ang kamao.
“He’s wrong if he thinks he can manipulate me just because I need something from them. Sisiguruhin kong dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko bago mangyari iyon!” Galit na sabi niya pa bago lumabas ng guest room. Naguguluhang sinundan ko si lolo ng tingin.
“What is happening auntie?” Baling ko kay auntie.
“W-wala iha..may hindi lang napagkasunduan sa pagitan ng mga Castellino.”
Tumango ako. “Mag-aayos na ho ako ng gamit auntie.” Sambit ko at akmang tatalikod.
“Sandali iha..” Pigil ni auntie sakin, pilit siyang ngumiti sakin.
“....pwede bang sa Saturday kana umuwi? Kailangan ko kasi ng tulong mo dito sa rancho.”
“Tulong po para saan?”
‘’Para sa kasal ni Evander at Sarah. I will need your help to prepare for the invitations card and letters. Yes that’s it..”
Nag-isip naman ako, Wednesday ngayon so may dalawang araw na lang naman ako dito. Tumango ako kay auntie.
“Sige po auntie.” Nakangiting sabi ko, ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko.
“Mag-aasikaso muna ako sa labas okay? Namumutla kapa kailangan mong magpahinga.”
Tumango ako, magkasabay kaming lumabas ni auntie Nessa sa guest room. Ako naman ay naunang umakyat patungo sa kwarto, pagkalock ko ng pinto ay hinanap ko muna ang cellphone ko. Humiga ako sa kama at tinawagan si mama.
“Ma! Miss na kitaa!” Nakangiting bungad ko sa video call. Malawak ang ngiti naman na tumingin sakin si mommy, nakita ko ang ilang paper sa mesa niya at ilang products nasa palagay ko ay para sa promotional video nila.
“Hi baby ko! Kumain kana ba?”
Tumango ako saka ninguso ang product sa tabi niya.
“Is that the new product you were talking about, Mommy?” Tanong ko, tumango naman siya at pinakita ang hawak.
“Ang ganda ng packaging no? Pumatok kasi yung isa nating soap, so naisip namin ni ate Mel mo na maganda partner-an ng lotion.”
Ngumiti ako. “Yeah ang ganda, atleast hindi na mukha ko ang nakalagay diyan.”
Natawa siya sa sinabi ko.
“Oo nga pala, umuwi kana ng Saturday ha? Kailangan kita sa livestream ko.”
Tumango ako at dumapa sa kama.
“Mom, may question lang po ako. Busy ka po ba ngayon?”
Umiling siya at sumandal sa swivel chair. “Nope baby katatapos lang namin. Anong tanong mo nga pala?”
Huminga ako ng malalim.
“Kilala mo po ba yung pamilya doon sa kabilang hacienda?”
Nakita kong natigilan siya at nag-isip saglit.
“Ang alam ko lang na pamilyang nasa kabila ay Castellino. Is that what you were talking about?”
Mabilis akong tumango. “Yes, yes po mom.”
“Yes I know them, ang alam ko magkaibigang matalik si mama saka si Donya Ophelia. Pero umalis na sila diyan matagal na e, bakit anak?”
“Actually mom umuwi na ho sila. Dito na daw sila for good.” Naalala ko si Evander. “...ah yung mga anak ho niya kilala nyo din?”
Tumango si mama sa video call. “Yes, yung isa pa nga doon palagi nyong kalaro ni Sarah.”
Natigilan ako. “Sino ho don mommy?”
“Hmmm.,. what is his name again?” Bulong niya sa sarili saka pumitik.”...yeah! Ayon Evander. Hindi mo naalala palagi kaya kayong naglalaro dati. Naalala ko pa nga palagi mong pinapaiyak ‘yon.” Nakatawang sabi niya pa, mas lalo akong natigilan.
“P-pero ma...wala akong maalala.”
“Well siguro dahil bata kapa non. Bakit mo nga pala natanong? May nangyari ba diyan?”
Umiling ako. “Wala ho..may nagsabi lang po kasi sakin ng tungkol sakanila na may something daw.”
“Oh hanggang ngayon usapan padin pala ang tungkol daw sa mental illness ng mga anak nila. But for me ha, it’s not true nakausap ko pa nga before si donya Ophelia at nakita ko mga anak nila. Normal naman sila na bata at ang babait pa.”
Tumango ako at naalala ang ginagawa ni Evander.
“Yeah...sige ho mom magpapahinga muna ako.” Paalam ko kay mama. Ngumiti siya at nag-flying kiss.
“Okay, call me later I love you!”
“I love you always mom.” Nakangiting tugon ko, nang patayin ko na ang video call ay tulalang nahiga muli ako sa kama at tumitig sa kisame. Napasapo na lang ako sa ulo ko at pumikit. Hindi ko na pinilit na alalahanin pa ang nangyari noon dahil wala naman talaga akong maalala.
Saka ano naman sakin kung maalala ko, wala namang magbabago lalo pa at ikakasal na sila ng pinsan ko. Pagdating ko din sa Maynila ay malilimutan ko din naman lahat ng nangyari dito. I can live peacefully with my mom. Sa isiping iyon ay nakatulog ako...
Nagising na lang ako na sobrang dilim ng paligid ko, sobrang init din at halos maligo na ako sa pawis.
“What the...” Usal ko at kinapa ang lampshade ngunit hindi bumubukas ang ilaw. Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko.
“s**t 9pm na!” Usal ko at bumaba ng kama para buksan ang ilaw.
“Brownout?” Kinlick ko uli ang switch pero hindi sumisindi ang ilaw. Napabuga na lang ako ng hangin at gamit ang flashlight mula sa cellphone ko ay hinanap ko ang damit pantulog ko. Nag half bath lang muna ako, pagkatapos ko sa banyo ay lumabas na ako. Habang nagsusuklay pa ako ng buhok ay ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko tanda na gutom na ako.
“Mom will be angry kapag nalaman niyang nalipasan na naman ako.” Nakatawang bulong ko, binuksan ko ang pinto at tumingin pa sa magkabilang hallway sa labas. Mukhang tulog na silang lahat dahil maaga namang natutulog ang mga tao dito. Gamit ang phone ay bumaba na ako ng hagdan.
“Ikaw ba ‘yan iha?”
Napapitlag pa ako nang marinig ang boses ni lolo. Gulat na napatingin ako sa itaas ng hagdan, nakita ko siyang may hawak na kandila.
“Oh mabuti naman at gising kana, balak ko nga sanang gisingin ka. Tulog na tulog ka daw sabi ng katulong.” Sabi niya pa habang pababa. Tumango ako.
“Ah sorry po hindi ako nakasalo sa dinner.”
“It’s okay, gusto mo bang samahan mo muna ako sa basement?”
Natigilan ako. “Basement po?”
“Yes may pinapakuha kasi ang lola mo sakin na mga litrato sa baba. Hindi siya makatulog kinukulit ako e. Pwede bang samahan mo muna ako?”
“P-pwede po bang kapag nagkailaw na lolo? Madilim kasi doon sigurado.”
“Ganon ba? Saglit lang naman iha, sasama kasi ang pakiramdam ng lola mo kapag hindi nabigay ang gusto. Kailangan ko lang ng katulong na maghahanap sa baba. Tulog na kasi sila dito,”
Huminga ako ng malalim saka tumango.
“S-sige ho..” Sambit ko, nakita ko pa ang pagngiti niya saka tumalikod.
“Follow me..”
Walang imik na sumunod naman ako sakanya, nagtungo kami sa isang sulok na malapit sa kusina. Nakasabit pa ang ilang painting ni lola sa dingding habang naglalakad kami.
“Dito..” Turo pa ni lolo sa isang pinto at binuksan iyon. Isang hagdan pababa ang nakita ko sa loob. Naunang bumaba si lolo at binalingan ako.
“Come here apo.” Sabi niya pa, napalunok ako dahil sobrang dilim sa ibaba. Tinutok ko ang lights sa baba pero hindi man lang iyon umabot. Nagsimula na akong humakbang pababa ng hagdan.
“Kilala mo ba kung sino ang nasa litratong ‘yan?” Tukoy ni lolo pagbaba naming. Akala ko ay maalikabok sa baba kagaya ng basement namin sa Maynila. Pero nang tignan ko ay malinis naman at parang alaga.
“Sino po ‘yan?” Tanong ko pagtingin ko sa isang maliit na litrato sa sulok.
“It's your Auntie Linda when she was seventeen.” Nakita kong tinanggal niya pa ang ilang alikabok doon.
“Halika dito..” Aniya at tumalikod muli, hindi ko alam ngunit bumibigat ang pakiramdam ko na parang may humihila sakin na umalis dito.
“Iha dito..” Sambit pa ni lolo, nakita kong nakatayo siya sa gilid habang nakataas ang kandila. May pinapakita siya sakin.
“Hindi ba ay nabanggit ng mga magulang mo na sa lahat ng apo ikaw ang pinakapaborito ko. Look oh..”
At nang tumingin ako sa tinutukoy niya ay nagulat ako nang makita ko ang isang litrato..