Chapter 9

1237 Words
NASA MOOD na ako ng pagkalimot nang may katok akong narinig. Napatigil ako sa pagkuskus ng gitara at binalingan ang pinto. "Sino 'yan?" mahinahon kong tanong. "Ma'am Aira, si Farah po ito, pasensya na po sa abala ngunit dumating po anhiyong kaibigan para dalawin ka," aniya. Agad kong nilapag sa mesa ang gitara at inayos ang balabal upang itago ang mga sariwang pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ng kaunti. Sakto lang na umawang para makita ko siya sa labas. "Bea daw po ang name niya," agad niyang wika nang makita ako. "Sige paakyatin mo rito sa music room," utos ko. "Yes Ma'am!" Umalis naman siya kaagad kaya muli kong sinara ang pinto. Hihintayin ko na lang si Bea rito. Mabuti at dinalaw niya ako para naman lumuwag itong pakiramdam ko. Makalipas ang ilang minuto at narinig ko muli ang isang katok kaya agad ko itong binuksan. "Hey, what are you doing in this dark room? Wala bang ilaw at bakit ganito ka dilim sa loob?" takang tanong niya. "Got light. But I prefer not to on it," I said coldly. Pagpasok pa lang ay dami na niyang tanong. Instead to open the light ay bahagya kong hinawi ang kurtina para ang liwanag sa labas ang siyang magbibigay liwanag sa music room. "Gosh, what happen to you?" She look at me from my head to toe. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata nang maaninag ang mga pamumula ng pisngi ko.. Yumuko ako at hindi ko magawang sabihin ng deretsahan. Ano pa nga ba ang magagawa ko nangyari na. "Wala lang 'to, salamat nga pala at masasamahan mo ako ngayon," pag-iba ko ng usapan. "He hurt you! How could you say that wala lang? Aba Aira hindi na iyan maganda. Kung hindi ka naawa sa sarili mo, ako awang-awa diyan sa sinapit mo. Why don't you leave him?" giit niya. "Alam mo na hindi pwede. Ni hindi pa ako nakakabayad sa kanya," sagot ko naman. "E ano, hahayaan mo na lang siyang bugbugin ka hanggang sa malagutan ka ng hininga?" "Hindi naman siguro. Baka may chance pa magbago siya. Mahal ko naman siya e!" “That's unfair! You loving someone who doesn't love you. Kasi kung mahal ka niya ay hindi ka niya sasaktan." “There’s no other way Bea!” Pailing-iling kong sagot sa kanya. Mariin niyang tinutulan ang pagpapaubaya ko na sinasaktan ni Joem. Para na rin akong bininta ng aking ama dahil sa pagkalulong niya sa sugal at nagkakautang ng malaki at ako ang naging kapalit. I saved him dahil hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Hindi na rin lingid sa kanya na mayroon akong gusto kay Joem kaya minabuti niyang ibigay ako sa taong pinagkakautangan niya. He was a heartless billionaire in Amerika at magkakasama sila ng Daddy ko sa pagsusugal. Ngunit mautak at tuso si Joem kung kaya’t mas lalo pa ito naging tanyag roon. Umuwi na lamang kami matapos ang aming kasal roon dahil sa isang trahedya. “Then, you let him na kaliwa’t kanan kang sinasaktan. Baka sa susunod kong dalaw ay wala ka ng hininga." Alam kong naawa siya sa akin ngunit kaya ko pang tiisin ang lahat. kung hangggan saan ay ‘yan ang hindi ko alam. Maybe time will heal everything. Kung ano man ang darating sa panibagong bukas I am hoping the best and better for us. “One thing only I want from you, just stay by my side. Tanging ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng ito!” “Yes friend, I will but..." Patangong tugon ni Bea kahit may himig ang kanyang boses sa pagkadisgusto sa kagustuhan ko. Dinig ko ang mahinang buntong hininga niya habang dinadampian ang mga pasa ko ng cold patch na hiningi niya sa kasambahay. “Maiba ako, ikaw ba ang nagtxt sa akin kanina?” tanong ko. “Ahm, did I? Wala akong naalala na nagmesage ako sayo!” kunot noo niyang tugon. Ang buong akala ko pa naman ay si Bea iyon, ngunit sino pala iyon? Bago pa lang itong numero ko at hindi ko pa naibigay sa iba. “Never mine that, baka naligaw lang iyon.” “Siya nga pala, yayain kita bukas sa supermarket para naman makalabas ka sa bahay na ito.” Bigla akong napa-isip dahil sa pag-aya niya sa akin. Mariing pinagbawal sa akin ni Joem ang lumabas pero magbabakasakali akong pumayag siya. “I need to ask permission from him,” tugon ko. Napakamot na lang siya ng ulo habang nakatitig sa akin. Daig ko pa ang bilanggo sa sarili kong mundo. I can endure it as long as I could. Bibitaw na lang siguro ako kapag ramdam kong hindi ko na kaya ang lahat. NAKITAMBAY ako sa guard house habang hinihintay ko ang oras sa pagsundo sa dalawang matanda na namili sa palingke. Walang ginawa itong si Leonard kundi ang manood ng Zombie or mga horror movie. Nakikitingin rin ako sa kanyang cellphone. “Bakit ba ang hilig mo manood ng mga horror?” tanong ko dito. I preferred to watch a movie ‘yong mga adventure or romance para nakaka-in love lalo. Feeling ko kapag fantasy o ibang pa amn ay pambata. Kung sa bagay kanya-kanya naman ang gusto ng tao. “Ang sabi kasi sa artikulo na nabasa ko ay pampapayat raw ang mga horror movie kaya sinusubukan ko para lumiit itong bilbil ko at magiging matitigas na pandesal,” anito. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Paanong hindi lalaki ang tiyan niya kung lumamon parang inahing baboy. “Tsk… naniwala ka naman sa nabasa mong artikulo, baka pakulo lang iyon para buksan mo ang kanilang website. Hindi mo ba alam na kumakalat sa social media ang mga maling impormasyon.” “Wala namang mawawala kung susubukan ko eh!” “Bahala ka nga, bilib na talaga ako sayo kapag nangyari ‘yan. Mas mabuti pa magwork out ka na lang saka magbawas ka ng kain. I’m sure hindi lang matitigas na pandesal ang mai-improve mo pati ang hotdog mo maging jumbo na rin,” natatawang payo ko sa kanya. “Whoa! Ikaw ba ‘yong nagsalita? Patingin nga ako ng jumbo hotdog mo!” “Tarantado, mabuti ka nga at dalawa ang ulo mo kaya lang maliit ‘yan kasi ang laki ng tiyan mo,” ganti ko naman. “Alam mo masarap ito parang ice cream pop na hindi mo mapigilang dilaan.” “Ewan ko sayo Leonard ang bastos mo!” Umalis na lang ako para matigil na ang asaran naming dalawa. Palaban ito at sa huli ay ako ang talo. Susunduin ko na lang ang dalawang mag-asawa sa palingke. Paliko na ako sa kanto papasok sa wet market nang makasalubong ko ang isang yellow sports car. Ang dereksyon nito ay patungo sa isang sikat na subdivision dito sa lugar na ito. Bahagya akong gumilid at binuksan ang bintana sa side sa takot na mahagip ako nito sa bilis ng kanyang takbo. Sinabayan pa ng malakas nitong sounds na halos mabingi ang lahat na madadaanan nito. Napatanong ako sa sarili na pinagmadan ito papalayo. Mukhang foreigner siya at ang gwapo niya. Inilig ko ang ulo at gusto ko ng batukan ang sarili. "Mas gwapo ako do'n," mahinang usal ko. Nagpatuloy na lang ako hanggang sa masundo ko ang dalawa. Iniiba kasi nila ang araw ng pamamalingke dahil sa dami ng tao rito kapag araw ng tinda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD