Chapter 10

1285 Words
I ENJOY going to supermarket with this two ladies. Hindi ko naman ito palaging ginagawa sa tuwing mamimili ang dalawang matanda. Siguro masaya lang ako na kasama sila lalo na makita si Ma’am Aira. Ako naman ang tagatulak ng cart. Napunta kami sa cereal section at doon ay namimili si Ma’am Aira ng brand na gusto niya. Habang si Bea naman ay umikot sa kabilang side. Pilit niyang inaabot ang isang box ng cereal sa pinakataas na bahagi. Matangkad siya ngunit sadya lamang na may mga supermarket na mataas ang mga estante. “Ma’am, ako na!” alok ko. “It’s okay, I can!” Pilit niyang inaabot iyon kahit lumapit na ako para tulungan siyang kunin ang bagay na gusto. Tumingkayad pa siya lalo para maabot iyon ngunit sa hindi inaasahan ay nawalan ng balance ang kanyang paa dahil na rin sa sandal na mataas ang takong nito. Maagap ko siyang sinalo bago pa man ito bumagsak sa sahig. Nakapikit siyang bumagsak sa mga bisig ko. Marahil ay sa takot na nararamdaman. Doon ko nasilayan ang kanyang ganda habang saklaw ng bisig ko ang kanyang katawan. The moment was unexpected ngunit kinabahan ako na hindi maipaliwanag. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamumula sa kanyang leeg. Nahimasmasan lamang ako sa pagkatitig nang nagpupumiglas siya sa yakap ko para ayusin ang sarili. Ngunit ang hindi ko pa inaasahan ay ang makita ang basa sa kanyang braso nang mahawi ang mahabang manggas ng kanyang suot. “Thank you for saving me!” “You’re welcome. Sabi ko na sayo ako na ang aabot e!” “Yeah, I must listen sometimes,” She smiled nodded at me. Nang masiguro ko siyang nasa maayos ay inabot ko na sa kanya ang box ng cereal. Saka naman dumating si Bea na bitbit chocolate bar mula sa kabilang estante. “May gusto ka pa ba?” tanong ni Bea. “Ahm…wait. Bibili tayo ng sangkap para sa gagawing pasta bukas,” sagot niya. “Hmm, that’s my favourite. Mapapadalas ako nito sa inyo,” masayang wika ni Bea. Hindi naman mapagkaila sa dami ng talent na mayroon si Ma’am Aira. Isa-isa kong nakikita ito habang tumatagal. “Ang swerte nga ng asawa niya Ma’am kasi maganda na mabait pa, plus mo pa ang mga talent na mayroon siya,” sabat ko naman. “Ay oo naman kaya lang siya ang walang swerte-“ Napatigil si Bea sa pagsasalita nang tingnan siya ni Ma’am Aira. Dinig na dinig ko ang sinabi ni Bea ngunit naging tikom ang bibig ko sa mga oras na iyon. “I mean, ako ang walang swerte,” agad na bawi ni Bea. Nakangisi lamang ito sa akin na kagat ang ibabang labi. Ma’am Aira breath sharply na tila ba napakarami ng pinagdaanan niyang sakit. Nangunot ang ko habang pinagmasdan siya. Bakit ba ang lungkot niya? Nakikita ko iyon sa mga mata niya. At saan niya nakuha ang mga pasa? “Hindi ako sang-ayon diyan Ma’am, pareho kayong dalawa na may mga angking talino kaya swerte pa rin itong ituring,” puri ko pa. “Maybe. Big or small is bless, ika nga ng iba. Paano pala kung totoong buwan at araw ang ibibigay sayo? Bless pa rin ba maituturing iyon?” “Huh!” maang ko. “Tara na nga! Pinagloloko ka lang ni Bea,” ani Ma’am Aira na hinila ang cart na hawak ko. Napasunod ako sa kanya ngunit kibit-balikat kong nilingon si Bea. Napailing naman si Bea na sumunod sa amin. Matapos naming mamili ay nagpahatid si Bea sa hotel na kanyang tinutuluyan. “Bye guys!” Pakaway-kaway na paalam ni Bea sa amin. Nakakabinging katahimikan sa pagitan na namin ni Ma’am Aira pauwi ng bahay. Ngunit naglakas loob akong tangungin siya sa mga bagay na nakita ko kanina. “Ma’am may itatanong lang sana ako kung okay lang sayo.” “Yes, go ahead!” Bahagya akong sumulyap sa kanya sa rear mirror ngunit nasa labas lang ang kanyang tingin. Humugot muna ako ng malalim na hininga sa gagawin ko dahil labas na ako sa limitasyon ko bilang driver nila. “Ahm, may nakita akong mga pasa sa balat mo at hindi ito ordinaryong pasa lang. Sinaktan ka ba ng asawa mo? Sorry to ask this ngunit bilang bagong kaibigan mo ay mayroon lang akong concerned sayo.” “Just look on what you see, and close your mouth on what you hear,” She replied coldly. Para akong nabilaukan sa sinabi niya. I am willing to help kahit man lang sana sa emotional support. I roughly know that sir Joem hurt her. Sa mga nasabi kanina ni Bea ay namuo ang haka-haka sa isipan ko. “Walang masama kung kailangan mo rin ng kausap or someone to lean on. Sorry about it, but as your new friend hindi ko maatim na tingnan ka lang na sinasaktan ng iba,” tapang kong tugon. “Huwag kang makialam sa may sariling buhay. Focus on your work!” Napabuntong-hininga ako sa mapangahas kong pagtatanong, ngunit ang concern ko ay hindi isang pangingialam. I am trying to help kahit man lang sana sa mababaw na paraan. Heck, that was crazy, stupid and creepy thing I did. Ngunit kung kilala lamang niya ako ng lubos ay marahil hindi siya magdalawang-isip na sabihin sa akin ang saloobin. Handa akong maghintay na buksan niya ang puso para makinig sa iba. She deserves a better chance to smile. “Fine, hindi pa nga kita kilala ng lubos Ma’am. Sana huwag kang makalimot na may mga katulad ko na handang makinig sayo,” patapos kong salita. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay. Ayaw ko rin ipilit lalo at wala akong naging basehan sa mga tanong ko. Kung sakali man na totoo ang hinala ko ay magagalit ako sa amo ko. Hindi porket asawa niya ay may karapatan na siyang saktan ito Agad kong hinanap si Farah nang maiayos ko ang mga pinamili ni Ma'am Aira. Naabutan ko si Ginang Amalia sa kusina ngunit hinagilap ng mata ko ang batang makulit. "Dumating na pala kayo." "Opo, kakarating lang din. Nasaan nga pala si Farah Ginang Marcela?" tanong ko habang iniayos sa lagayan ang mga pinamili ni Ma'am Aira. "Naroon pa sa taas, bakit may kailangan ka?" "Ah, may itatanong lang po sana... pero mamaya na lang po. Hindi naman gano’n ka importante," tugon ko. "Hintayin mo na lang na bumaba," aniya. "Huwag na po at lilinisin ko muna ang sasakyan bago ko sunduin si sir, baka kasi may mapansin siyang bagay sa loob ng sasakyan na hindi niya magugustuhan," tanggi ko pa. "O'siya mabuti pa!" Bumalik ako sa kotse nang hindi makausap si Farah. Hindi ko rin maaaring sabihin sa matanda at baka isipin pa nito na nagkakalat ako ng issue. DERE-DERETSO ako paakyat sa ikalawang palapag ng mansion. I don’t want to talk to anyone kung itatanong man lang sa akin ang mga mapapansin nila sa balat ko. Bakit ba kasi nakita niya ang mga pasa ko? I am not ready to open her para lang kaawaan niya. Bukod pa doon ay hindi ko pa siya gano’n kakilala para magbukas ng saloobin. Nang makarating ako sa taas ay may narinig akong ingay sa kabilang silid kaya naman pumasok ako kaagad sa kwarto. Ilalapag ko na sana ang bag ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa loob at tingnan. Napakunot ang noo ko na mayroong mensahe uli ang numerong hindi ko kilala. Ang akala ko ay naligaw lamang iyon. "Hi dear, hope you smile every day coz you like the sun shine my day." Sa muli ay may smile emoji na naman itong kalakip. Sino naman kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD