AT NINE in the morning, inasikaso ko ang damit niya sa pagpasok ng opisina. No words coming from my mouth to ask him. Para saan pa gayong alam kong parausan lang pala ako sa buhay niya. I never ever think this my miserable life. Nasa akin ang positive thinking na one day magbabago siya at matutunan niya rin akong mahalin.
“Don’t wait for me at may dinner meeting ako,” anito na tila ba walang nangyari.
I never heard any single words of apology, kahit man lang sana mapawi ang sakit sa dibdib ko. Nanginginig ang mga laman ko sa sakit na dinaranas ko ngayon.
“Okay, hindi ka ba mag-aalmusal?” kalmado kong tanong.
“No, sa trabaho na ako kakain. And beside I don’t have appetite to eat here.”
Hindi na ako sumagot pa. mas maigi ng hindi ko siya makikita buong araw kung sakit man lang sa dibdib ang idudulot niya.
“Hey… don’t you dare to go out. Dito ka lang sa bahay at ayaw ko maglalabas ka na walang kasama,” he added.
“Kahit ba sa supermarket ay hindi pwede? Gusto mo ba akong ikulong dito?”
He’s gone too far. Paano naman ako kung ganito na lang ang buhay ko habang buhay? I am a human not an animal. Kahit nga ang hayop kapag tinanggalan mo ng laya ay nalulungkot rin ako pa kaya.
“Yes, iyan kung wala kang kasama na mga kasambahay. Bago ka lumabas ay kailangan mo munang magpaalam sa akin,” mariing tugon niya.
Ang sikip ng dibdib ko at halos hindi na mapigilan ang mga luha na kanina pa nakaambang bumagsak. How can I communicate with him kung hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.
“Call you? Ni hindi mo nga sinasagot ang tawag ko. Do you really don’t have time for me para baliwalain mo ng ganito?”
“Enough! Ang boses ko ang masusunod sa pamamahay na ito. Maging malaya ka lang over my dead body kaya pagsilbihan mo ako hanggang sa huling hininga mo,” padabog niyang tugon.
Halos masira ang pinto sa lakas ng kanyang pagbagsak rito. Napatakip ako ng bibig na mahinang humagugol sa pag-iyak. Sumandal ako sa pader at naupo sa sahig habang kinakalma pa ang sarili. Pumasok ako sa banyo at naghilamos upang hindi mamaga ang mga mata ko.
Kagabi pa akong umiiyak at ayaw ko na mahahalata nila ang pamamaga nito. Ngunit habang tinitingnan ko ang mga pasa sa braso at leeg ay tila nagsibagsakan uli ang mga luha ko. Extreme pain to see bruises in my skin. Swelling eyes and redness in my neck.
After an hour, I went down to ask food from the servants. Nasa hagdanan na ako pababa ngunit bigla akong naahinto. I hesitate to go down and face them. Alam kong makikita nila ang mga pasa ko at paniguradong magtatanong sila sa akin,
“Hello, anyone down there?”
Nahimigan ko si Farah sa kusina pero nagkunwari akong walang alam.
“Yes Ma’am, narito ako sa kusina. May kailangan ka ba?” tanong ni Farah.
“Ahm, magpapahatid lang sana ako ng pagkain sa music room,” mahinahong tugon ko.
“Sige po Ma’am, ano nga pala ang ipaghanda ko sayo?”
“Paki, handa na lang ako ng sandwich, fruits at warm milk,” sagot ko sa kanya.
“Okay Ma’am!”
I felt relieve na hindi nila ako makaharap. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang personal kong gamit.doon na lang ako magpalipas g oras para makalimutan ang nararamdaman.
I took my phone at sakto namang may message na pumasok. Binasa koi yon na walang iniisipkung sino ang nagpadala.
Unknowm: Hi how are you?”
Nangunot ang noo ko na iniisip kong sino ba ito. He or She, never mention the name. I tap the reply button pero hindi ko alam kung sino ito.
Me: I’m okay thank but may I know you?”
Hinintay ko na magreply siya sa akin para makilala ko naman siya. Baka naman kasi gino-good time ako ng kaibigan ko. Tanging si Bea lang naman ang nakakaalam ng numero ko bukod kay Joem.
Inilapag ko muna ang phone sa ibabaw ng kama at hinanap ang iba pang gamit na dadalhin ko sa music room. Magkukulong ako roon para mapawi ang lungkot na nadarama. Muli na namang tumunog ang phone ko.
Unknown: I’m your friend.”
Napakamot na lamang ako sa ulo at hindi niya sinabi ang name niya. May karugtong pang smile emoji sa dulo ng kanyang mensahi.
Me: Is that you Bea?”
Muli itong nagreply ngunit panay smile emoji lamang. Napangiti tuloy ako dahil napagtanto ko na nais niyang ngumiti ako. How this people know that I am sad? Hinayaan ko na lang muna iyon at kailangan kong makalipat sa music room.
Dinampot ko ang balabal at isinampay sa leeg . Palinga-linga ako sa paligid baka makasalubong ko sila. I am not ready para ipaalam sa kanila ang sinapit ko kay Joem.
NAKABALIK kaagad ako matapos kong maihatid si dragon sa kanyang opisina. Mabuti na lang at abala sa pakikipagchat kaya tahimik ang buhay ko hanggang sa naihatid ko siya roon. Naabutan ko ang isang kotse na nakaparada sa harap ng gate. Lumapit naman si Leonard para tanungin kong ano ang pakay nito.
Hindi ako makapasok ng deretso dahil sa nakaharang ito sa dadaanan ko. Hinintay ko na lang na umalis ito bago pumasok. Pasandal na sana ako sa inuupuan ko ng makitang bumaba ang babaeng driver ng puting kotse.
“Bea?” gulat kong sambit.
Agad akong bumaba nang hindi pinapasok ni Leonard ang kaibigan ni Ma’am Aira. Marahil ay hindi ito naabisuhan ni Ma’am kaya hindi niya pinapasok.
“Ma’am Bea, ikaw pala. Dadalawin mo ba si Ma’am Aira?” agad na agaw pansin ko sa kanila.
“Clark,mabuti at dumating ka, ayaw kasi ako papasukin ng guard dahil hindi pa niya ako nakilala,” aniya.
“Don’t worry Ma’am, ako na ang bahala sayo!”
“Leonard buksan mo na ang gate! Kaibigan siya ni Ma’am Aira,” utos ko rito.
“Okay, pasensya ka na Ma’am at sumusunod lamang ako sa patakaran namin dito,” anito sabay binuksan niya ang gate.
“Ayos lang Kuya guard, naiintindihan ko.”
“Alam ba ni Ma’am Aira na dadalawin mo siya?”
Natutuwa kasi ako na dinalaw niya ang kaibigan. Nahahalata ko kasi na malungkot ito ngunit hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Nasabi ko kahapon pero hindi ko siya na-inform ngayon. May pinuntahan kasi ako malapit dito kaya naisipan ko na lang na daanan siya," aniya.
"O' siya halika sa loob at ipapatawag ko na lang sa taas," aya ko sa kanya.
Pagpasok namin ay hinanap ko kaagad si Farah. Nasa palingke ang dalawang matanda kaya ito lamang ang nakakaalam kung bumaba ba si Ma'am Aira.
"Maupo ka muna ma'am at hahanapin ko lang ang kasama ko," alok ko sa kanya.
"Yeah, thanks!"
Sakto pagpasok ko ay nasa kusina si Farah na nagkakamot ng kilikili.
"Eww..." Ano ba 'yan, bakit ganyan pa ang naabutan ko sayo?"
"Kuya, ikaw pala!"
Nakangisi lamang ito na ibinaba ang dalawang kamay. Isip bata pa talaga ito. Kaya madalas sinasaway ng ina dahil sa kakulitan.
"Maiba ako, bumaba ba kanina si Ma'am Aira?"
"Oo, bakit miss mo na?"
"Hep... Hep, hinaan mo ang boses mo! Ipapahamak mo talaga ako!"
Saway ko dito na hindi nag-aalangan na banggitin ang bagay na 'yan. Mapuputulan ako ng ulo kapag may nakaalam sa sekreto ko.
"Ay sus kunwari ka pa. Walang ibang tao ngayon dito sa kusina," aniya.
"Kahit na! Nag-iisa lang ang ulo ko at baka mapuputol pa!"
"Sira ka talaga! Papakabitan kita ng pangalawang ulo para may reserba ka pa," panunudyo pa niya.
"What the heck!" mahinang usal ko.
Napasapo ako ng noo sa kakulitan ng batang ito. Minsan hero ko siya kapag nawawala ako sa sarili pero madalas ay kalaban ko rin sa biruan. Mas masaya naman kapag nagsama-sama kaming lahat.
"Oo na, bakit mo ba hinahanap si Ma'am Aira?"
"Nasa sala ang kanyang kaibigan."
"Bakit raw 'yan naririto?"
"Of course dinadalaw lang," tugon ko naman.
"Patay lang naman ang dinadalaw ah!"
"Anak ka ng nanay mo! Ano ba seryoso ako? Naghihintay sa sala ang kaibigan niya!"
"Wait lang at pupuntahan ko lang siya sa music room para ipaalam," aligaga niyang sabi sabay akyat sa ikalawang palapag ng bahay.
"Sandali! Sabihin mo na Bea ang name ng babae!"
"Noted po!"
Hinintay ko siyang bumaba bago ako bumalik sa sala. Makalipas ang dalawang minuto ay narinig ko ang mga yabag niya pababa.
"Anong sabi?" agad kong tanong.
"Paakyatin mo raw siya at doon na sila mag-uusap sa music room."
"Ihatid mo siya doon sa music room. Mag-usap tayo mamaya at kakausapin ko pa si Leonard."
"Opo Kuya!"
Lumabas na rin ako para iparada ang sasakyan sa loob. Naiwan ko ito sa labas. Makibalita na lang ako kay Ma'am Bea mamaya. Nakakalungkot lang na hindi makikita ang ngiti niya sa tuwing umaga. Alam kong may dinadala itong problema.