18 years ago. "YUICHI," tawag ni Mizuki sa kanang-kamay ng Black Dragon Gang na Yuichi Shinohara. "Bakit, Mizuki?" tanong nito sa kanya. Hinaplos niya ang kanyang tiyan bago sumagot. "Mawawala ako sandali simula bukas. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Kailangan ko lang siguraduhin ang kaligtasan ni Kazumi," wika niya na ang tinutukoy ay ang dinadala sa kanyang sinapupunan. Iyon ang naisip niyang ibigay na pangalan kapag naisilang ito. "Habang wala ako, ikaw na muna'ng bahala sa grupo." "Huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan ang mga kasamahan natin," pangako nito sa kanya. Kinabukasan, nagpaalam na siya sa grupo. Inihabilin niya kay Yuichi ang pamamahala ng lahat. Masaya naman siyang sinalubong nina Youji at iba pang mga kaibigan nila sa bahay nito. "Masyadong liblib ang

