Chapter Nine

1497 Words
“HON, HINDI ka pa ba buntis?” malambing na tanong ni Paolo kasabay ng paghawak nito sa tiyan ni Jane sa ilalim ng kumot.           Napakagat-labi si Jane sa narinig. Kumalas siya sa nobyo, ibinalot ang sarili sa kumot at naupo sa kama.           “Magkaka-baby na ba tayo, Jane?” puno ng pananabik na muling tanong nito.           Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot. “Imposible ang sinasabi mo, Paolo, dahil nagpi-pills ako,” pag-amin niya.           “What?” bulalas ng binata, napabalikwas pa. “Nagpi-pills ka?” salubong ang mga kilay na pag-uulit nito sa sinabi niya.           Tumango siya.           “s**t!”           “Paolo, be reasonable naman. Hindi pa tayo kasal.”           “Dahil ayaw mong magpakasal sa akin,” mataas ang boses na sumbat nito.           “Alam mong hindi totoo ‘yan!” apela niya. “Konting panahon lang ang hinihingi ko sa ’yo.”           “Konting panahon? Damn it, Jane. Ni hindi ko alam kung gaano katagal ‘yang konting panahong sinasabi mo.”           “Paolo, please, huwag mo naman akong i-pressure.”           “I’m not doing that,”anito at bumaba ng kama at nagsimulang magbihis.           “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”           “I’m just telling the truth. Maghirap maghintay nang matagal, Jane.”           “Napapagod ka na ba?” kinakabahang tanong niya.           It took time before he answered. Tinapos muna nito ang pagbibihis bago humarap sa kanya. “Malapit na, Jane. Sana lang hindi dumating ‘yong araw na magsawa akong ialok ang pangalan ko sa ‘yo.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Naglakad palabas ng silid at pabagsak na isinara ang pinto.     DISMAYADONG dire-diretsong ininom ni Paolo ang whiskey na kakasalin lang ng bartender sa kanyang baso matapos mabasa ang text ni Ken sa kanya.           Ayon dito ay hindi ito makakasunod sa bar ng Monteclaro Hotel sa Ortigas na kanyang kinaroroonan dahil hindi nito maiwan ang mag-ina nito dahil may sakit ang anak. In fact, hindi nakapasok sa trabaho si Ken. Ken asked him to come over para mapakag-usap sila kung may problema siya pero hindi na siya nag-reply. Gayumpaman ay naintindihan ni Paolo ang kaibigan. Alas-diyes na rin naman ng gabi. Hindi na maganda para sa isang married man na kasama pa rin ang kaibigan nang ganoong oras. Nawala rin sa isip niya na hindi na pala sila tulad ng dati na puwedeng yayain ang isa’t-isa kahit saan at abutin pa hanggang umaga dahil pamilyadong tao na si Ken kahit pa sabihing close siya kay Trisha.           Gusto lang naman niya ng makakausap at bigyan na rin siya ng advice sa frustration niya kay Jane. Hesitant naman siyang i-text si Jay-Jay dahil pinsan nito si Jane, idagdag pa na kabuwanan na ni Kate. Siguradong hindi nito iiwan ang asawa. He can call any of his friends anyway, the boys in particular, pero ayaw na niyang malaman ng lahat ang problema niya. It had been two hours since Paolo left Jane in his condo. Pero hindi man lang siya tini-text o tinatawagan ng nobya para makapagpaliwanag pa sa kanya. Sumama talaga ang loob niya rito sa sinabi nitong gumagamit ito ng contraceptives para hindi magbuntis. Sinadya pa naman niyang hindi gumamit ng proteksiyon sa tuwing magtatalik sila dahil ang akala niya ay okay lang kay Jane na magkaanak sila at later on ay magpakasal na rin.    He felt cheated and rejected. Hindi tuloy niya naiwasang isipin na nabigla lang si Jane noong tinanggap nito ang marriage proposal niya. At ngayon ay napapagtanto na nitong hindi talaga nito kayang magpakasal sa kanya. Katibayan na ang ilang beses na nitong pagtangging itakda na ang kasal nila. But she let you made love to her for the first time, pagtatanggol kay Jane ng isang bahagi ng utak ni Paolo. Pero ito na mismo ang nagsabi na absolete na ang mga virgins. Ayaw lang niyang mapag-iwanan, sabi naman ng isa pa. “s**t!” bulalas ni Paolo at ipinilig ang ulo. Muling siyang humingi ng alak sa bartender at mabilis namang iyong isinilbi sa kanya. Anyong iinumin na niya ang alak nang marinig niya ang isang malambing na tinig. “Is that you, Paolo?” Lumingon siya. Sa naniningkit na mga mata dahil sa epekto ng alak ay nakilala niya ang maganda at matangkad na babaeng mabilis na nakalapit sa kanyang tabi. “Miakka,” acknowledge niya rito. “What are you doing here?” Nagkibit-balikat si Paolo at itinuloy ang pag-inom sa hawak niyang baso ng alak. Walang paalam na naupo naman ang babae sa isang stool sa tabi niya at nag-order ng martini para sa sarili.  “So, bakit mag-isa ka?” tanong pa ni Miakka matapos mai-serve ng mabilis ng bartender ang order nito. “Well, my friends are busy. How’s your firm doing?” salat sa interes na pag-iiba niya ng usapan. “Just fine. Masama na naman ang loob ni Daddy dahil natalo n’yo na naman kami sa bidding. He wants you at Throne badly,” tukoy ni Miakka sa architectural firm ng daddy nito kung saan isa rin itong arkitekto roon.  “The offer still stands, gagawin ka naming partner.” Tumawa nang mapakla si Paolo. Ilang taon na rin siyang pinagtatangkaang i-pirate ni Miakka at ng iba pang mga kompanya pero habambuhay na mananatili ang loyalty niya sa Builders for obvious reasons. “Well, wala ako sa team na huling sinalihan ng bidding ng Builders.”  “I know. Why are we talking our jobs, anyway?” Lalo pang naging malambing ang boses ng babae. Nabaling siya kay Miakka nang humawak ito sa braso niya at haplos-haplusin iyon. “I left something in my hotel room. Puwede mo ba akong samahang kunin ‘yon?” nang-aakit ang ngiting tanong nito. Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Paolo sa narinig. He knew what this was heading to. Ilang taon din niyang iniwasan ang mga babaeng on the hunt na tulad nito ng mga oras na iyon dahil wala sa bokubularyo niya ang mag-cheat. Kahit pa kay Miakka mismo na first girlfriend niya. Magkaklase sila noon sa UST, member ng cheering squad si Miakka at si Paolo naman ay basketball varsity player. Isang paramdam lang niya kay Miakka ay naging sila na kaagad. They looked perfect together but the relationship was lasted only for days. Kaagad niyang inayawan ang dalaga dahil masyado itong free spirit, straightforward, adventurous at liberated. Doon niya na-realize na ang gusto niya ay ang mga babaeng kabaligtaran ni Miakka. Nagkibit-balikat lang siya nang makalipas lang ang ilang araw matapos nilang mag-break ay iba na ang boyfriend ni Miakka. At later on ay naging fling pa ito ni Ken. Hanggang sa lumipat ng ibang university ang dalaga at hindi na sila nagkita. Pagkalipas ang ilang taon ay muling nagsanga ang mga landas nila sa isang conference na kapwa nila dinaluhan. Nang maging matunog ang pangalan ni Paolo sa construction world ay nag-umpisa na si Miakka na i-pirate siya. She even included herself as part of the bargain, but of course he declained the offer. But now, he was angry, tipsy and wanted to forget his frustration. Miakka was caught him at the right time.  Tumayo si Paolo at mabilis na naglabas ng pera at ipinatong sa bar counter. “Let’s go to your room,” aniya at hinawakan ang kamay ni Miakka Nagulat man ay kaagad napangiti ang babae at humawak sa braso niya. Inakbayan niya ito. For once, susubukan niyang magloko. He was not a saint after all. Hindi lang halata pero kabi-kabila rin ang mga flings niya kapag wala siyang girlfriend. Pagkasara pa lang ng pinto ng hotel room ni Miakka ay kaagad na nagdikit ang mga labi nila at mapusok na hinalikan ang isa’t-isa. Masyado itong agresibo at hindi naman nagpatalo si Paolo. Pareho na silang topless nang magkayakap silang bumagsak sa kama.  Muling nagtagpo ang kanilang mga labi.  Nagpatuloy ang pagiging agresibo ni Miakka. Hinayaan ni Paolo na nakakubabaw sa kanya ang babae at halikan ang katawan niya. Subalit biglang-bigla ay sumagi sa isipan niya si Jane. Tila bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napatulalang nakatitig lang siya sa ilaw ng hotel room habang patuloy si Miakka sa paghalik sa leeg niya. Nagbalik sa alaala niya ang pinakamamahal niyang nobya. Kung gaano ito ka-sweet sa kanya, kung gaano ito nag-aalala kapag nadedestino siya sa malalayong lugar, at kung paanong pilit ipinararamdam sa kanya ni Jane kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng pagtanggi nitong magpakasal na sila. Paolo suddenly realized that being unfaithful will only give more problems. And for heaven’s shake, nasa Monteclaro Hotel siya. Majority ng mga empleyado ay alam na fiancé siya ng isa sa mga anak ng may-ari. Paano kung malaman ni Jane ang kataksilan niya at gawin din nito ang ginagawa niya? Siguradong hindi niya iyon makakayang tanggapin at maaring ikasira ng kanyang isip.           Bigla niyang itinulak si Miakka at mabilis siyang bumaba sa kama.  Dinampot niya sa sahig ang polo shirt niya at nagmamadaling isinuot. “What’s the matter?” buong pagtatakang tanong ng babae.           “I’m sorry. I can’t do this. I’m engaged,” ani Paolo at iniangat pa ang isang kamay niya kung saan naroon ang engagement ring na ibinigay ni Jane sa kanya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang pinto at nagmamadaling nilisan ang hotel room. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD