Araw ng linggo ngayon kaya naman naisipan ni James na magsimba. Titingnan niya na rin kung dumating na si Chloe mula sa Manila. Nalaman niya kasi kay aling Berta na lumuwas pala ito ng Maynila. Sa totoo lang, na-miss niya ang kakulitan nito. Simula kasi nang umalis ito ay hindi man lang siya nito naalala na i-text o tawagan man lang. Bakit kaya hindi nagpaalam sa kaniya ang babaeng 'yon? Dati-rati naman ay nagpapaalam ito sa kaniya kahit pa nga pupunta lang ito sa banyo. Bigla siyang nanibago dahil dati naman lahat ng nagaganap sa buhay nito ay ipinapaalam pa sa kaniya. Pero nitong mga nakaraang araw ay tila nakalimutan na siya nito. Malapit na sana siya sa bahay ni Aling Berta nang mamataan niya ang dalaga na halos kararating. Nakatitig ito sa sasakyan nito habang nakapamaywa

